Sportsmanship 101

Dream MatchIlang linggong training, para sa isang laban na tinaguriang “Dream  Match”.

Umakyat ng ilang timbang para lang tapatan at hamunin andg idolo.

Nagpursiging maigi, para masiguro ang pagkapanalo, kahit pa dala niya ang isang buong bansa sa kanyang mga balikat.

December 6, 2008 (US Time), niyanig ng isang dating palaboy ang mundo ng boksing nang ang tinaguriang Golden Boy ay hindi na tumayo para sa ika-siyam na round.

Agad siyang tumungo sa isang sulok, lumuhod, at sa wari ko’y lumuha dahil sa galak, at nagdasal…nagpasalamat sa isa na namang tagumpay.

Ang linya ng pusta: -$135 kay Pacman +155 kay Golden Boy…Sa $100 na pusta kay Pacman, ang panalo ay $135, samantalang ang $155 na pusta kay De La Hoya ay mananalo lamang ng $100.

Andun ang mga trapo (pasintabi sa sumusuporta sa kanila)…yumakap si Vice, si Gob Takasan nasa tabi ng bayani, ang mga “kaibigang” politiko nasa ringside din nakanood dahil sa biyayang ticket ni Pacman. Andun din kaya sila kung sakaling naiba ang resulta?

At ang pinakanakakatindig balahibong palitan na narinig ko at talaga namang tumanim sa utak ko:

Pacman: You’re STILL my IDOL!

De La Hoya: No,  NOW, you’re my Idol!

=========================

Isang laban na nadagdagan ng kulay dahil sa estado ng dalawang kampeon, at dinagdagan pa ng makukulay na hiritan ng mga trainer, sa pangunguna ni Roach.

Ngunit sa huli, ang mga kampeon, tahimik lang, walang ibang nasabi kundi papuri sa kanilang katunggali.

Walang usapang basura (trash talking!). Walang takutan…tanging mga kamao lamang ang nagpakita (at least kay Pacquiao, hindi ko alam kay Oscar).

===========================

Ito ang sportsmanship mga mahal kong mambabasa (sa inyong dalawa!).

Enough talk, let’s work.

===========================

At sana ganito din ang sistema ng ating pamahalaan para naman hindi na kami magsakripisyo ng ganito sa malayong lugar.

Advertisements
This entry was posted in Palakasan and tagged . Bookmark the permalink.

4 Responses to Sportsmanship 101

  1. R.J. says:

    dabest si arum:

    “mr. takison, whatever!” nyahaha!

    ang sasarap pagsasampalin ng mga politikong nandoon. vice pa man din yung isa. panira. kakabuset!

    • ecxel says:

      oo nga, ok na sana e, ok na akong makita si buboy na nagta-translate ng every direction ni roach, at ok akong makita si roach…pero bakit may nakakabit na pulitiko dun, hindi ko alam at hindi ko din maintindihan, bwahahahaa!

  2. Rose says:

    jericho, belated happy birthday!!! promise, naalala ko ang bday mo nung friday. dapat itetext kita hanggang sa nakalimutan ko na…sorry! anyway, hope you enjoyed your special day with rl & kyle 🙂 btw, napanood mo na ba yung 24/7 documentary ni dela hoya & pacquiao? ganda ng visuals! hehe la lang 😀 ingat!

    • ecxel says:

      thanks thanks Rose bad! Alam ko naman naalala mo e, hehehe! Hindi masyadong na-enjoy ang first half ng day pero naging ok naman kami eventually. Hehehe. Watch out for my post regarding that day.

      Hindi ko napanood ung 24/7 documentary, pero sobrang happy na ako at kahit papaano e nakapanood ako ng live hehehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s