You just have to roll on and hold on..

Last Friday, 12 December, ay BIRTHDAY ko, promise totoo un, batiin niyo ako kahit late ok lang sa akin. Gusto ko ung feeling na may nag-greet sa akin e. Pero hindi ako masaya the night before at nung umaga ng araw na iyon, hindi ko maintindihan. Kahit si misis at si biyenan e medyo tinabangan that day kasi kakaiba ang kilos ko, pero naintindihan nila lahat un.

Noong araw na iyon ia-announce kung sino-sino ang tatanggalin sa aming grupo (Financial Controlling), at walang nakakaalam kung sino ang dapat umalis o manatili sa trabaho. Nagpasya akong maghalf- day na lang ng araw na iyon. Kung mapasama man ang pangalan ko sa ‘listahan’, kasama ko ang pamilya ko para umalalay sa akin, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin o magagawa ko kung saka-sakaling sabihan ako na aalis na ako. Kaya pinaubaya ko na kay Lord ang lahat.

2:30pm, sa sobrang hindi ko makayanan ang tensiyon e tinawagan ko na ang boss ko…by this time, nagsisimula na magtawag ng mga tao na aalis na.

======================

Ganito ang sistema sa amin:

Kunwa’y nasa 22nd floor, pababain ka ng 2nd floor at sa loob ng isang private room dun iaabot sa iyo ang iyong marching orders, hindi ka na pababalikin ng lugar mo, agad-agad e kailangan mo ng magpaalam. Walang oras para sa turnover ng function, ni oras na makapagligpit ng gamit, at sa aking palagay, ang pinakamasakit e ung wala ka ng chance na makapagpaalam ng matino sa mga nakatrabaho mo. Dahil oras na pinaalis ka na, hindi ka na maaaring makabalik pa sa area mo. It’s so DAMN COLD, pero you have to ride it out, dahil ganun ang sistema nila dito.

====================

Dahil sa hindi ko na makayanan ang tensyon, tinawagan ko ang aking boss, around 3pm…

Wakanasusha (W): Hi boss! What’s up? Do you have any news for me?

Boss ni Wakanasusha (BW): …yep.

W:   And??

BW: We’re all good don’t worry.

W:  That means we’re all safe right? Right?

BW:  Yup, for now, since we have a lot of work now that we are cutting a lot of heads.

W:  So what happens after we cut heads?

BW:  We’ll see. have fun and enjoy your day.

==========================

Napayapa ako kahit papaano. Mayroon pa akong aasahan na pambili ng gatas at diaper ng anak ko. Meron pa akong cubicle at opisinang papasukan pagdating ng Lunes.

Pero sabi ko nga, nakahanda na ang loob ko sa mangyayari. Pero iba pa din ang pakiramdam ko na steady pa ako kahit papaano, ngayon. Next month?? Bahala na si Lord. Pinaubaya ko na sa kanya lahat e.

Salamat at may trabaho pa ako ngayon.

========================

OFF-TOPIC:

Dun sa mga anonymous message na nagsasabing RACIST ako dahil sa nagsabi akong mabaho ang naamoy ko sa tren, o dahil nakuwestiyon ko kung bakit walang consideration sa olfactory senses ng ibang tao ang ibang tao dito, I don’t think I need to apologize for any of my comments…

BLOG KO ITO! At rekalamador talaga ako, at maarte ako lalo na sa amoy (kaya ako gumagastos ng pambili ng panglinis ng katawan at pampabango!)…DEAL WITH IT! Kung ayaw mo ung nababasa mo, you are free to GET THE HELL OUT OF MY SITE!

Alam kong fair game ang blogosperyo, pero desisyon ko pa din kung anong sasabihin ko dito dahil akin itong blog na ito.

If you want me to publish your comment, leave an address or any return e-mail so I can give you a larger piece of my mind! Huwag kang magtago sa bogus e-mail add at sa username na Anonymous! BUSET! Wakanasusha ka!

Advertisements
This entry was posted in Buhay OFW, kung anu-ano lang and tagged , . Bookmark the permalink.

4 Responses to You just have to roll on and hold on..

  1. a.r.d.y.e.y. says:

    sobrang COLD nga yung systema nyo brad, ni hindi ka man lang makapag-shutdown ng pc kapag pinababa ka? tsk. parang tension lang pag nasa loo ka ng PBB house, para kang maeevict. nakakatakot nga ang krisis nato.

  2. ecxel says:

    oo bro, kaya sobrang kailangan tumibay pang lalo ang didib ko, at mas maging aware pa ako sa mga options if ever makasama ako sa listahan. Round one is done, at kapag nagtuloy pa ang krisis na ito, madami pang susunod na round. Pero sabi nga ng idol nating si Money P. “payt lang ng payt!”

    🙂

  3. Rose says:

    glad to hear that your job is safe for now…but if push comes to shove, bumalik na lang kayo dito sa pilipinas! i’m sure you won’t have a hard time looking for a new and good job with your experience and credentials 🙂 ingat, echo! merry christmas to you, rl, and kyle! 😀

  4. ecxel says:

    thanks rosebad! sa totoo lang, gusto ko na din bumalik, lalo na pag naiisip ko ung mga malulungkot na moments dito (lalo na ngayon, magpapasko, hindi naman big deal dito un e!). pero sa kabilang banda, dito kasi nakakapag-ipon ako kahit papaano at nakakapagpundar ng gamit, something na medyo mahihirapan ako (i think!) na gawin sa atin.

    haaaayyyy…thanks rosebad! sobrang miss ko na kayo, kahit na hindi naman tayo madalas nagkikita! ingat & regards kay mommy rustica! 🙂

    merry xmas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s