Pasakalye

Bakit may mga tao na ang hilig magpasakalye?

“Uy pare kumusta ka na? Ang gara (pinoy slang: ganda) ng bago mong yoyo (used in pinoy slang: relos) a? At saka sputing (pinoy slang: groovy) tayo ngayon a?”

It can be followed with either of the following:

a.) “Pare pautang naman o?”; or

b.) “Kaya lang pare mukha kang tanga sa suot mo e, wala sa hulog!”

Wakanasusha, hindi na lang derechohin e, “Pare pautang naman…” o kaya “Pare mukha kang tanga sa suot mo, wala sa hulog!”

Bakit ko ba nasabi ang mga ito? Lately kasi, nagiging cranky ako kapag may “pahabol” na message sa akin, un tipong hindi ka-parallel ng first message. Pasakalye ba ang dating, contradictory, or tinatago ang tunay na message sa pamamagitan ng isang malupit na kamustahan. Ayoko kasi talaga ng ganun e, mas prefer ko na sabihin sa akin ng derecho, ayoko ng paligoy-ligoy. Gayun din naman kasi sa akin e, sabihin mo kung anong hindi mo nagustuhan at aayusin ko ung mali ko, o kaya naman pagtulungan nating ayusin ang mali.  Ayan, ayan, cranky na naman ako…

WUSA…wusa…WAKANASUSHA…wakanasusha…

==========================

Kagabi ay bday celebration ng best friend ni Misis na si Pia, lumamon kumain kami sa Crystal Jade Kitchen sa Plaza Singapura. Masarap ang food, at mas lalong naging masarap kasi libre, hehehe! Tapos nagdessert pa kami sa Cafe Cartel, we ordered the Viking and the Rock, ang sarap, ang dami, tapos ok na ok dahil, again, libre!

Kaya ayun. sobrang nabundat na naman kami ni misis at ng baby ko. Hahaha! Ok lang, nag-MRT naman kami pauwi, so kahit papaano, medyo malayo-layo din ang nilakad namin kaya may natunaw na kinanin kahit konti, hehehe!

Happy Birthday uli BESTFRIEND-NI-RL PIA! 🙂

==========================

Kakatapos lang ng Game 1 ng Western Conference Finals between my Los Angeles Lakers versus the San Antonio Spurs, and I’m happy to share to you that my Lakers won, rallying from 20 points down to draw first blood in this Best of 7 series.

I digress, ano kayang mangyayari kapag naging Los Angeles Lakers vs Boston Celtics for the finals? Parang back to the 80’s ang dating niyan, the Celtics’ Big Three of Bird, McHale and Parish is replaced by Pierce, Allen and Garnett. Tapos ung Showtime Lakers naman, kay Magic dati nagsisimula ngayon naman si Kobe naman ang anchor ng offense! Ayus! Tapos reunion sa Staples, o kaya magkaroon ng isang special home game sa Forum instead of the Staples Arena…nostalgic, pero mukhang advertisers’ dream ang ganung scenario. Basta ako ang tanging hangad ko lang e manalo ang Lakers ko, at syempre, ang manalo sa darating na anniversary draw ng Toto.

Advertisements
This entry was posted in Buhay May Asawa, Buhay OFW, Palakasan. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s