Battle of the Bulge – Another Update

Three months down the road, after my last update…(at least this time, nakakapag-update na ako diba?!)

4 kgs lost since April. From 106 kgs in February, I am down to 96 kgs today, a year-to-date weight loss of 10 kgs! Ang saya-saya ko, and sa wakas napapansin na din ang aking pagpayat! Hahaha!

Sabi nga ng isang nabasa ko:

  • 4 weeks, to feel better about yourself (check!)
  • 8 weeks, before loved ones and friends see the difference (check!)
  • 12 weeks, before other people see the change (isang malaking check!!)

Ang sarap lang ng feeling na sasabihan ako na pumayat na ako, lagi na lang kasing sinasabihan ako na ang laki-laki ko! Kaya masaya ako na nakakarinig ng mga ganitong comments once in a while. I haven’t had the chance to re-do my blood work kaya hindi ko alam if medically e may improvement na ako. That would be another update to be shared soon!

Hindi ko pa ma-share ang isang epic at legendary na before and after na pic, kasi hindi pa obvious e, saka na lang siguro kapag tumungtong na ako sa 90kgs (that’s a total of 16 kgs lost), baka that time, kita na ang difference hehehe!

Ano na bang nangyari since:

  • frequency and duration of cycling increased (trying to make it at least 4 times a week, and at LEAST 25 kms covered!)
  • every weekend, I do a long ride, covering around 60kms
  • diet maintained, less rice talaga, alternative source of carbs (like pasta and potato before long rides) – baka manghina kapag wala
  • involved more friends in my exercise, para mas masaya at masustain ang motivation!

What’s going to happen from this point:

  • additional exercise is required: I will go back to swimming, kahit na once a week; and at least once a week na brisk walking/jogging
  • maniwala ka’t sa hindi, pero hindi ko kaya magpush-up, kaya starting this week sisimulan ko magpush-up, increasing frequency per week – start muna ako 10 reps every morning
  • I signed-up/will sign-up sa mga events, like the Standard Chartered Marathon (1o km lang muna!), OCBC Cycling 2013 (for the 40km event!), atbp.
  • mag-isip ng ways para sa diet, pero mukhang ok na ako sa diet e, mahirap naman na walang food intake e

The last 4 kgs lost was quite difficult, ang tagal bago nabawas; 3 months for 4 kgs. I aim sana 1.5 – 2 kgs lost per month, pero I think I need to do something different para ma-achieve ko iyon.

O yun lang, salamat at nagtiyaga ka basahin ito. Sana naramdaman mo ang ligaya at excitement ko. Sana naramadaman mo din ang renewed passion ko for a healtheir living.

Wakanasusha!

by the way, ito pala ang photo-folio ko, dalawin mo naman kung may oras ka: Larawan

Advertisements
This entry was posted in my healthy journey. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s