Battle of the Bulge – Update (after 10 million years!)

After almost two years, may update na din ako sa aking Battle of the Bulge post…WAKANASUSHA…after two years dun lang nag-update! Anyway, eto na ang nangyari pagkatapos kong isulat ang post na un two years ago…WALA!!!

Tamad na kung tamad, hindi naman sa humilata lang ako maghapon, magdamag. Nagtangka din naman ako mag-jogging, hindi kaya, naging brisk walking…umaray ang shin area, nauwi sa swimming…nawalan ng oras dahil sa dami ng trabaho, nauwi sa wala at panaka-nakang basketball with friends. OK na papawis, pero hindi consistent.

Ang resulta, I ballooned to 106 kgs, dumalas ang atake ng gout, I felt weak and sluggish, at kung anu-ano pa. And to confirm my fears, ayon sa aking medical result taken last March 17, mataas lahat ng aking marka, kung report card ko ito, Valedictorian; e kaso nga that’s not the case!

To name a few:

  • very high triglycerides (hi-risk of pancreatitis)
  • high uric acid – dati pa naman (gout)
  • high cholesterol (hi-risk for heart ailments)
  • non-alcoholic fatty liver

Kung sa tama at tama lang, madaming tama! I mean hits!

So anong ginawa ko? Drastic, pero I think lahat nasa utak talaga.

  • weight loss from diet management – I’m eating 6 times a day, small portions (breakfast, morning snack, lunch, siesta snack, 5 pm snack, dinner) tapos low carb intake (goodbye rice!)
  • exercise (cycling) – nakahanap din ako ng gusto ko at kaya kong i-maintain. Before the diet, I do 4 times a week, average of an hour per ride. Dahil sa low-carb, bawas ang energy, nabawasan din ang intensity, 3-4 times a week, average of 30 mins per ride
  • mas maging positive – I keep on tracking numbers/results and salamat sa runkeeper at nai-sha-share ko ang activities at developments ko. I thrive on feedback, kaya ang simpleng pag-like nila ang isa sa nagco-contribute sa aking positivism. Sana lang huwag sila magsawa diba?

Ang resulta, I am now at 100kgs, 6 kgs lost in a month’s time!! WAKANASUSHA!!! Hindi pa masyado halata sa itsura ko, pero I can definitely feel na lumuluwag ang belt, pants at long sleeves ko. I am starting to look good in my non-loose shirts (hindi din naman kasi muscle shirt, kaya hindi ko alam ang tawag!).

At least may maipagmamalaki na akong results. Next milestone for me is to reach 90kgs, and I’m giving myself 5 more months to achieve it. That’s roughly 2kgs to lose every month. Siguro this time, maganda na may side by side photo ako para ma-compare ang aking before and after body! Yeah! Ako na ang fit! Wakanasusha!

Masaya lang ako sa achievements ko. Pero more than losing weight and looking/feeling good, I need to see the development in my medical tests in the next three months. Magpapa check up uli ako and I’m expecting na bumaba na sana ang mga dapat bumaba na measurements.

Mahal ko ang pamilya ko, bata pa ang anak ko, kaya ko ginagawa ang lahat ng ito para tumagal pa ako sa earth na kapiling nila. So tara journey with me friends and followers (uy followers, ang dami!!!)

Salamat at nagtiyaga ka basahin ito. Sana naramdaman mo ang ligaya at excitement ko. Sana naramadaman mo din ang renewed sense of energy ko.

Wakanasusha!

by the way, ito pala ang photo-folio ko, dalawin mo naman kung may oras ka: Larawan

Advertisements
This entry was posted in my healthy journey. Bookmark the permalink.

One Response to Battle of the Bulge – Update (after 10 million years!)

  1. Pingback: Battle of the Bulge – Another Update | Wakanasusha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s