Battle of the Bulge – I Need Your Help (Day 0)

Mataba ako, matagal na…pero wala akong ginagawang consistent about this. May pagkatamad ako e…bumili ako ng basketball shoes, pero nung nalipat kami ng bahay at natapos ang liga ko, hindi ko na nagamit uli. Bumili ako ng running shoes, pero after two months of jogging/walking, tumigil na din ako dahil sa injury sa tuhod ko. Nagsimula ako ng diet, pero hinid ko masustain…So in short, tamad lang talaga i-sustain.

Ngayon, hindi ko alam kung tama itong gagawin ko, pero I think I need to document my activity towards a healthier me.

Una, bakit ko ginagawa ito? Hindi na issue sa akin ang magpapayat at magpaganda ng katawan (although bonus na ito). Ang mas mahalaga sa akin is I have to be healthy for my lil boy. I want to grow with my son, and not just watch him grow. I want to live long enough to see him finish school, have his own family and be a hit in his chosen career path.

Second, ang dami kong nararamdaman sa katawan ko, and my latest executive check-up was not encouraging. I am obese by BMI standard, with a BMI of 30+. Body fat ratio of 30%+, high triglycerides, high count of bad cholesterol, at ang pinaka-regular kong sakit, high uric acid count. Simple lang ang doctor’s advice, reduce your weight by at least 20kgs and you will see all of this gone. FYI, I am now at 103 kgs. My challenge is to bring this down to at least 80kgs (176 lbs), which was my college weight. Would be nice if I can bring this down to 70 kgs (154 lbs), my high school weight.

Third, almost everything is difficult when you’re fat. Mahirap maglakad, dahil madaling mapagod. Mahirap maghagdan, dahil sumasakit ang tuhod. Mahirap makipaghabulan sa anak, dahil kinakapos ng hininga…at marami pang iba, na hindi na dapat i-share na sa blog, hahahaha!

Fourth, sayang ang mga damit ko na maayos pa, pero hindi na kasya. At saka mahirap humanap ng size ko dito sa Singapura, dahil karamihan ng tao dito e payat. Kung may malaki man, meaning Western sizes, e masyado naman mahaba sa akin, dahil iyon ay designed para sa mga puti, hehehehe! I end up na nagpapatahi, which is freakingly expensive here in Singapore.

What are the steps that I’m taking?

First, I’ll be treating this blog as a journal of my progress towards a healthier lifestyle. What I did, what I ate, if I slipped up, anything relevant to my journey. In a way, I can review my progress/decline towards my goal.

Second, I’m adjusting my schedule. Sabi nga ni Capt Witwicky sa Transformers, No Sacrifice, No Glory…hehhee, kaya I have to give up most of my late-night viewing schedule to give way to exercise. I’m also updating my work calendar para I spend at least three nights in a week doing some serious exercise, like swimming, basketball or briskwalking.

Third, and this is where YOU can help me…I thrive on feedback and motivation, and I’m calling on all help and support that I can muster para samahan, i-push at i-boost towards a healthier me. So sa inyo, (naks, ang dami!!!) na makakabasa nito, I need your help for this battle.

Tara let’s…Game na! Lesgow!

Advertisements
This entry was posted in kung anu-ano lang. Bookmark the permalink.

11 Responses to Battle of the Bulge – I Need Your Help (Day 0)

  1. gbert says:

    hey! dumaan lang po.. at naengganyo magcomment din.. abangan ko yung progress mo.. hehe unang una lang, be physically active.. whatever sports, or walking or basketball.. lahat ng physical activity, if you can do that in an hour or two, everyday, do it. and remind yourself that you need to enjoy it hindi yung pipilitin mo lang sarili mo.. try to jog for an hour everyday, kelangan ung pinagpawisan ng husto.. eh masarap gumala dyan sa Singapore, grab the opportunity that you have a nice view.. and make this as a lifestyle.. not something you should do in a month or so.. kelangan, lifestyle mo na yung jogging or walking..

    • ecxel says:

      salamat salamat! siguro sa susunod lalagyan ko ng pictures para mas magingi evident ang progress/failure. hehehehe! kakapanood ko lang kagabi ng biggest loser asia, kaya may panibago na namang motivation. salamat sa pagbisita ser!

  2. gbert says:

    no problem! mapapadaan ulit ako dito.. hehe

  3. philipge says:

    hirap nga yan magpapayat…

  4. bogart says:

    mahirap ba? By the way, nagbasa basa narin ako bout jan. At nakarating sa blog ni ben davis (http://bendoeslife.com) i was inspired by this great guy. Sana ikaw din. Kapatid nya c jed, http://lifedoesjed.tumblr.com pareho silang may problema sa timbang. Hope itd help. Great day!

    • ecxel says:

      oo sobrang hirap talaga ser! pero siguro dedication lang para sa sake ng anak ko, kaya igagapang lahat ng kaya ko! tignan ko ang mga site nila paguwi ko ng bahay, naka-block sa site namin e, hehehehe! salamat sa tip! merry xmas!

  5. iprovoked says:

    I wish you luck sir! Sana magawa mo ito for your son! God bless! :]

  6. ecxel says:

    salamat salamat po! sana nga po magawa ko…just an update, i am now down to 99kgs. as of last posting. malayo layo pa from my target weight. pero sabi nga nila, it does not matter how slowly you get there, as long as you do not stop! salamat sa pagbisita! daan ka uli! 🙂

  7. Kailangan ko ding magpapayat! Obese din ako (pero sabi nila hindi daw halata). LOL!

  8. Pingback: Battle of the Bulge – Update (after 10 million years!) | Wakanasusha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s