Lagi na lang kami…

guwapong-guwapong anak na manang-mana sa pinagmanahan!

Ang tagal ko ding hindi nakapag-blog: out of ideas, out of time, but mostly, tamad. Pero gusto kong magpalabas ng idea/rant ko ngayon, dahil sa isang article na nabasa ko kanina.

 

History: Bakit ako bothered?
Isa ako sa mga milyun-milyong OFW’s dito sa bayan ni Lee Kuan Yew, dalawang taon na din ako dito, at masasabi kong masaya ako sa buhay ko dito, kapiling ang aking pamilya. Nagtatrabaho ako sa isang bangko, 18months sa Accounting, at ngayon ay nasa Learning & Development space (this is for another blog, kapag sinipag! hehe!). Si misis din ay nakahanap ng trabaho bilang isang clinic manager sa isang maliit (pero malakas rumaket) na dental clinic. Two-income family, kaya ok kami, kahit na paminsan-minsan e medyo tagilig ng kaunti. May isang guwapong-guwapong-manang-mana-sa-pinagmanahang anak, na nagsisilbing inspirasyon sa laban ng buhay.

Mabalik tayo sa aking nagiinit na saloobin ko sa nasabing artikulo. Ang dami kong nakakwentuhan dito tungkol sa isyu ng mga lokal laban sa mga foreign workers. Andiyan na sinasabi nila na kami (as foreigners) ang dahilan kung bakit sila nauubusan ng trabaho; na kami ang dahilan kung bakit mas siksikan sa mga bus at train; na kami ang dahilan kung bakit pahirapan pumasok sa mga pampublikong paaralan; na kami ang dahilan kung bakit ang hirap bumili at naging mataas ang presyo ng mga HDBs (high-rise govt housing); etc etc etc.

Sa mga nagrereklamo, etong sa inyo: WAKANASUSHA KAYO!

Puro na lang sila reklamo, pero potah, hindi naman nila iniintinding maigi ang mga behind-the-scenes ng mga buhay namin sa bansa nila bilang mga foreigner! Why do you hate us, when you clearly don’t have the rights; let me count that ways:

  • we pay taxes; through our purchases and our income. At dahil taga-ibang bansa kami, iba ang aming tax scheme at maraming tax reliefs ang hindi available sa amin. Madaling sabi, mas malaking buwis ang binabayaran namin!
  • hindi makakapasok ng basta basta ang mga anak namin sa mga schools dito, dahil sa estado namin, nasa hulihan kami ng bunutan (balloting) para makapasok sa schools dito! Prayoridad pa din ang mga locals, that’s fair, wala akong problema dun, pero huwag nilang isisi sa mga foreigner kung bakit mahirap sa mga schools, gayung priority sila!
  • sa pagbili ng bahay, kapag foreigner ka, selected condo lang ang pwede mong bilhin. Kung HDB ang trip mong bilhin, at least kayong mag-asawa ay dapat Permanent Residents (PRs), kung hindi, dehins ka pwede bumili!
  • sa trabaho: hindi mapili ang mga foreigners. Payag kami sa mas mababang sweldo at mas maraming oras, dahil alam namin na hindi kami priority sa trabaho, kaya kami tanggap lang ng tanggap! TRUE STORY: Isang restaurant owner at kung bakit gusto niya ang mga foreigners: locals lack the personal skills (meaning pleasant ang attitude ng mga foreigners) to handle client-facing roles; at isa pa, kapag local ang inalok mo ng trabaho, ang unang tanong nila e “Can we have weekends off?”; samantalang kapag foreigner naman “Can we work overtime?” Napuna niyo ba ang kaibahan ng ugali pagdating sa trabaho?
  • on hygiene: teka lang, baka maakusahan na naman akong racist nito e, i would just want to defend the Pinoys, I don’t speak for other foreigners this time. The Pinoys are noted for being very particular with cleanliness; from personal hygiene, to food and most especially surroundings. Enough said na ito siguro

Madami pa akong pwedeng idagdag, pero ito ang mga unang lumabas ng sinimulan ko ang entry na ito. Ewan ko talaga, I like this country, the system and its government. I just don’t like the fact that those people to whom much is given, sila pa ung putak ng putak! Wakanasusha! Siguro para sa Pinoy, we came from a very hard working, but poor country, kaya ganito na lang ang level ng pagsusumikap at pagtitiis natin.

O well, nailabas ko na ang gusto kong sabihin:

On a different note: my sporting bets did great yesterday. Pacquiao outclassed the Ghanian punching bag named Clottey, and Ferrari finished 1-2 in the inaugural race of the F1 season! Woohoo!

Advertisements
This entry was posted in Buhay OFW, Buhay Tatay. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s