Para sa iyo, Pats!

Hindi mo mababasa ito, kaya hayaan mong ibuhos ko ang nararamdaman ko ngayon sa entry na ito…

Special ang araw na ito para sa iyo, dahil birthday mo ngayon Pats! Kung hindi ako nagkakamali, today is your 55th birthday, pero controversial ka, kaya hindi ako sigurado kung 1955 or 1954 ka pinanganak! Hahahaha!

Malungkot ako ngayong araw na ito Itay, for the second straight year, hindi kita makakasama, hindi kita mayayakap, hindi kita maililibre ng lugaw kay Ogo o kay Aling Sabel…dahil nasa ibang bansa ako, pinaghihirapang maigi ang pagbibigay ng magandang buhay para sa pamilya ko naman…gaya ng ginawa mo para sa amin, nung panahon ng kaunti pa lang kayong mga OCWs sa Gitnang Silangan. Pero masaya ako dahil sa araw na ito nakausap ko kayo kahit na sandali at kasama niyo ang mga malalapit niyong kaibigan. Salamat sa kanila, at kahit sandali ay malilimutan mo ang problema na halos gabi-gabi mo na ding pinagdadasal…kagaya ng ginagawa ko.

Nagpadala nga pala ako ng kaunti para sa iyo Pats, panlibre mo ng Jollibee kina Mama at sa mga kapatid ko; pasensya na at yan lang ang kaya ko ngayon, hirap pa din ako ngayon dito. Alam ko namang ma-aapreciate mo yan, pero I’m sure mas matutuwa ka kapag malaki, dahil madadala mo ang pamilya sa walang kamatayang Century Park Hotel.

Sana Pats, makaraos na tayong lahat sa krisis na ito, sa matagal na nating problema sa pera. Alam mo napapansin ko na medyo nawawala na ang sigla mo…ika nga, you lost your bounce in your step…Nawawalan ka na ba ng pag-asa na malalagpasan natin ito? Hindi ka ganyan Pa, you’ve always been a warrior, at alam kong hindi ka nagpapaapekto sa problema…pero siguro may hangganan din ang pagiging strong ng isang kagaya mo.

Alam mo sobrang bilib ako sa iyo, ang galing mong magdala ng problema, hindi halata, kaya for a time, mas mukha pa akong matanda sa iyo, hahahaha, pero siyempre, your age catches up, you start to show signs of ageing…the white streaks, which I thought was a sign of your wisdom…the laugh lines, dahil sa hilig mong tumawa at magpatawa…at ang wrinkles, for bearing all those problems ever since I can remember at ang iyong patuloy na paninigarilyo, na higit sa 15 years ko ng sinasabi sa iyo na itigil mo na.

Ibang-iba ang tingin sa iyo ng mga tao…mula sa mga kasama natin sa community natin sa Tugatog, ang mga may-kaya at ultimo ang mga tambay sa court, lahat tawag sa iyo Boss o kaya Manager. At kung may medical mission tayo, Doc na din ang tawag nila sa iyo. The irony of it though, is alam din naman nilang baon tayo sa utang, and yet sa atin pa din sila unang lumalapit. Call it faith in you or whatever, ang alam ko, that’s what you call RESPECT.

Sa kabila ng mala-Napoleon Bonaparte mong temper, mahal na mahal ka pa din ng tao, lalong-lalo na ang mga taong nabigyan mo ng trabaho. Pero minsan may mga umaalis kasi sobrang strikto mo, at walang preno ang baga mo sa pagbigay ng instruction sa napakalakas mong baga. Gayun pa man, people loved you.

Ang daming lumalapit sa atin, minsan para lang makipagkwentuhan, makipag-tong its, makipag-darts, dati pa nga pati table tennis, pero madalas para hingan ng tulong. Ang bahay natin pag Pasko, daig pa ang bahay ni Santa Claus sa dami ng tao…at lahat na lang sila tawag sa iyo Ninong…

Pero alam ko dumating ang panahon na ayaw mong bumaba ng kuwarto dahil wala kang maiabot sa mga bata kahit na tig-bebente man lang, kaya kinuha ko ang bungkos ko ng pera para lang may maipamigay ka. Maligaya ako noon dahil nakapagpasaya ka, pero alam ko deep in your heart, medyo frustrated ka kasi hindi na sa iyo galing iyon, at alam mong nagiipon na ako that time para sa kasal ko.

Pa, marami pang pagkakataon na na-frustrate ka kasi kami na ni utol ang gumagastos kada lalabas tayo noon…wala sa amin iyon, in fact, kulang pang kabayaran iyon para sa lahat ng nagawa mo para sa amin.

You’ve been a warrior and a steadying presence sa pamilya natin Pa, and I think it took a toll in your body. Salamat for always being strong Pa. We don’t see eye-to-eye on a lot of things, pero we do enjoy our long conversations/arguments. Naaalala mo ba nun, one month bago ako ikasal, nag-usap till 4am…wala namang alak sa harapan natin o pagkain man lang, pero pareho nating hindi namalayan ang oras, until bumaba si Mama para sabihin sa ating pumanik na tayo at matulog. Tapos nung kasal ko, huling-huli ng camera, lumuha ka, kaya ako naiyak kasi naiyak ka! Hahahaha! Excuses!

Ang dami kong natutunan sa iyo Pa, mula sa mga simpleng drawing hanggang sa mga diskarte sa pamilya ko…at lahat yun buong pagyayabang kong sasabihin na turo iyon ng tatay ko.

Sobrang miss na miss na kita Pa, iba pa din ung magkasama tayo, o iyung tipong kada weekend magkakasama tayo. Nami-miss ko ang mga usapan natin, nami-miss ko din ang mga payo mo at ang mga biro mo. Iba ka dumiskarte sa buhay at madala naka-pattern sa iyo ang style ko para sa pamilya ko.

Pats, be strong, huwag kang mawalan ng pag-asa, lahat ng hirap na dinadaanan natin ngayon may hangganan din ito. Pinagdadasal ko na maging malakas ka at bigyan ka pa ng maraming years ni Lord. Gusto kong makita mo na nagtagumpay ako at napalaki ko ng tama ang anak ko at nabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya…dahil lahat un sa mga turo mo sa akin.

I miss you so much Papa. Hope you are proud of me, as I am very much proud of you Pats!

Happy birthday Manong! We love you!

Advertisements
This entry was posted in Buhay Tatay. Bookmark the permalink.

4 Responses to Para sa iyo, Pats!

  1. a.r.d.y.e.y. says:

    nangilid ang luha ko sa letter mo na to sa erpats mo pre. pareho kasi tayo ng sentimyento sa buhay. pareho silang OFW noon kaya hindi natin sila nakasama ng buo, ngayon tayo naman ang wala. sooner or later darating na rin ang pagtanda, unti unti. naiisip ko pa lang naiiyak na ko. bigla ko tuloy namiss ang tatay ko dahil sa post mo na ‘to.

    taga-malabon ka pala. once in a while lagi din kaming pumupunta sa lugawan ni ogo sa obando. favorite ko ang lugaw mata, sawsaw mo pa sa calamansi at patis. hehehe.

  2. ecxel says:

    actually CAMANAVA ang roots ko, hehehehe…ang erpats lehitimong batang BB, habang ang nanay ko e tubong Malabon talaga. gusto ko naman ang lugaw dila, hahahaha, at yun siguro ang isa sa dahilan kung bakit ako nagka-gout, ang hilig ko kasi sa laman…

    …loob, di ba bawal sa atin un! hahahaha!

    Pero seriously, iba na talaga ang pananaw ko ngayon, dala ng edad, karanasan, at kung anu-ano pa. At saka iba na din talaga pag tatay ka na, at sariling pamilya mo na ang minamando mo!

    Kaya…gawa ka na ng ka-basketball ng anak ko! Dali! At tatawagin silang…ewan ko, wala pa pala ako maisip, hehehehe!

  3. xG says:

    ako ito
    erpats mo!
    lol

    ano ka?
    hind man niya ito mabasa
    mararamdaman naman niya ang pagmamahal mo
    diba?
    yun ang mas mahalaga
    🙂

  4. lyzius says:

    haberdei sa erpats mo pre…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s