Mamba vs The King…Kobe or LeBron…

Isa akong basketball fan, a huge basketball fan…UAAP, NCAA, PBA, MBA, NBA…basta gusto ko talaga ang basketball. At dahil napunta ako dito sa SG, kung saan hindi ko na napapanood religiously ang PBA, naka-focus ang aking atensyon sa NBA.

At isa sa mga pinaka-masarap na usapan ngayon ay ang diskusyon kung sino nga ba ang mas malupit, mas matinik, mas kagila-gilalas, ang mas mahusay sa pagitan ni Kobe Bryant ng LA at ni LeBron James ng Cleveland.

=================

O kung may reaction kayo sa topic, iwan kayo ng comment at pag-usapan nating maigi ito.

=================

May nabasa akong magandang article ngayong umaga, na gusto kong ipamahagi sa inyong lahat, na kapareho kong may passion sa ganitong usapan. Basahin niyo ang buong article, at kung kaya pa, lahat ng comments, na entertaining din talaga.

Hindi ako bandwagon fan, kapag gusto ko ang team, through the ups and downs I’m with them.¬† I’ve always been a Laker fan, mula sa panahon na nagkamuwang ako sa NBA. Salamat satellite/booster TV, cable TV, at ngayon Internet TV. I’ve always loved them, kahit na noong panahon na si Cedric Ceballos ang kanilang star player. Hindi niyo na siya kilala? Click mo ito.

Hindi ko na ikukuwento ang mga best memories ko ng Lakers, dahil gusto kong mag-focus sa usapang Kobe vs LeBron.

Maurice Podoloff Awardee

Sino nga ba ang MVP dapat this season? Well, depende yan sa definition mo. Ako, simple lang, sino ba ang pinakamagaling na player ng season at kayang dalhin ang kanayang team papunta sa mga later rounds ng playoffs. Best Player on a good team, not necessarily the best team. Kaya nga para sa akin, si Kobe pa rin ang MVP ngayong taon. Actually, I think mas deserving siya this year kaysa last year.

Bakit hindi si LeBron e gayung nasasatisfy niya ang criteria na sinet ko? E wakanasusha pala ako e, bomalabs…Teka let me explain…Hindi sa presinto ka magpaliwanag…Wakanasusha, ang corny ko na talaga…Why God, why??

Kobe is better than LeBron, not statistically, but in an overall impact to the game and to his team.

Kobe is a better all-around player than LeBron. Teka, huwag ngang pagbasehan ang stats, I mean in terms of arsenal sa offense and defense. Kobe is a more complete player, two-way, LBJ is just catching up on his defense this season, and in terms of being a lock down defender, the Black Mamba is miles ahead from the King. Offensively, Kobe knows when to take over and when to defer. Palaging sinasabi ng mga tao na mas trusting si LBJ sa team mates niya, I say, KOBE has been doing that since last year!!! He has that killer instinct that we haven’t seen since his Airness left the game for good. Kobe is not afraid to take the last shot and if they will lose with it, that’s a trait that I think embraces being an MVP, win if you must, but lose with guns ablazing.

At a basta, si Kobe pa din ang MVP ko! Wakanasusha kayo!

=====================

Just an update: isa sa mga sinet na criteria ng mga experts from ESPN, ay ang holder ng best record sa league…so sa tingin nila, mas naging runaway winner si LBJ…

Kunin na ni LeBron ang season MVP, para sa akin, si Kobe pa din ang mas deserving na awardee at siya ang kukuha ng Bill Russell Finals MVP award!

Let’s go LAKERS! It’s Showtime!

Advertisements
This entry was posted in Palakasan. Bookmark the permalink.

2 Responses to Mamba vs The King…Kobe or LeBron…

  1. a.r.d.y.e.y. says:

    gustuhin ko mang manalo ng MVP ang idol kong si d-wade, alam kong si lebron or kobe lang ang maglalaban for MVP dahil sa best records.

    i pick lebron will win the MVP this year. walang nageexpect na ganon sila kagaling this season. hehehe.

    watch out for miami. i smell an upset. hhahaha! (kahit tinambakan sila ng atlanta kahapon)

    • ecxel says:

      @ pareng rj: give na ako, si Lebron na talaga ang kukuha ng season MVP, pero si Kobe ang kukuha ng Finals MVP. Si D Wade, siguro hindi ngayon, pero pag tumino ang supporting cast niya, malupit lalo ang Heat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s