MRT – Eksena ng Buhay

Para sa isang OFW dito sa bansa ng tinamaan-ng-kidlat na Merlion, ang pagsakay sa MRT ay isang necessity, lalo pa’t ang lawak ng coverage nito, at mas mabilis papunta sa iyong trabaho at paguwi mo. May mga araw na masuwerte kang mapapaupo, minsan nga si misis e napapapalakpak pa sa tuwa…Pero siyempre, may mga araw din na malas ka, andyan ung hindi ok na amoy ng katabi, ung mga saltik ng ligaw na siko o bag, ung mga hindi ok na amoy sa kabilang tren na maamoy mo kapag umandar ang tren, ung mga malakas magpatugtog ng iPod nila na sana hindi na lang sila nag head set…basta marami…siguro kung isa akong dalubhasang manunulat magagawan ko ng istorya ang mga eksenang nakikita ko sa araw-araw.

Mga bukod-tangi.

Pero may mga nangingibabaw na istorya talagang tumanim ng sobra sa utak namin.

Gaya na lang ng minsang papunta kami sa City, tahimik ang lahat, ng mamyang konti may narinig na lang kaming biglang kumanta…”Hawak kamay, di kita…” Uy, si Yeng ba iyun, ay hindi pala, isang kababayan na nadala sa tugtog ng kanyang headset. Meron namang bata na bigla na lang kumanta ng jingle ng Harvey Norman, “Go Harvey, go Harvery, go harvey Norman…” Ayos diba entertainment sa tren.

Minsan naman, rush hour as usual, may biglang nagpasabog, as in ang baho…pero hindi ako, dahil iba ang amoy ng kamandag ko…basta grabe ang pinasabog niyang lagim sa tren. Nakakatawa lang, kasi bakit parang ako lang ang nagre-react, ung iba either deadma sila or nagpipilit na pigilin ang reaction. Mental note to self: OK lang umutot sa tren, next time hindi ako magpipigil.

Minsan naman siksikan sa may pintuan pa lang, ng may kababayan tayong biglang sumigaw, “Ayaw kasing pumasok sa gitna e…” Hahahaha! Kala ko nasa LRT ako bigla e. Pero as expected wlang reaction ang mga tao. Tuloy sa pagbasa, pakikinig ng music, paglalaro at pagtulog.

Speaking of pagtulog…bilib ako sa mga natutulog dito sa biyahe, paghinto ng train sa kanilang stop dun talaga sila magigising at hindi sila nagmamadali, siguro may kakaibang pakiramdam lang talaga sila—talent ba, o kaya naman e talaga namang nagtutulog-tulugan lang talaga. Sabi nga ng biyenan ko, ung mga priority seat nga daw sa tren e nakakaantok pala. Kasi lahat ng naupo dun e tulog palagi! Bwahahahaha!

On being courteous

Headline minsan sa Today Newspaper…ang kanilang version (definitely much better) ng Libre sa atin…ang isang courtesy/graciousness study na na-conduct dito. I think equal naman ang participants e, may mga local and may mga foreigners. This is a matter of perception I think, kaya kung may mga hindi agree sa akin, bahala kayo, blog ko ito, so opinion ko ito.

“I don’t have an attitude problem, you just have a perception problem” – Dilbert

Madami akong naging karanasan nito, lalo na nung panahon na buntis si misis at kasama namin ang mga biyenan ko. Hindi malaki magbuntis si misis, kung kaya minsan kailangan mo talagang ipaglandakan na buntis si misis para lang mapaupo sa courtesy seat. Nandiyang himasin ko ang tiyan niya o kaya naman makipag-usap ng ingles ng malakas about the needed care for a pregnant woman. Minsan effective, madalas bokya, kaya kailangan ko talagang makipagbox out para lang mapaupo si misis at hindi mahirapan sa pagbiyahe. May mga nagbibigay ng upuan paminsan-minsan…pero ang nakakatawa, either matanda ang nagbibigay o kaya naman babae. Wow, sobrang wow diba? O baka may kumontra at sabihin na kung ayaw ko pala mahirapan si wifey e di dapat nag-taxi kami? Simple lang, it doesn’t make economic sense to get a cab…kung hindi mo pa din maintindihan, eto na lang, NAGTITIPID AKO! Alam kong siksikan sa tren pero I think BASIC COURTESY ang magpaupo/o mag give up ng seat para sa mga mas nangangailangan. Again, BASIC COURTESY…and I think the government has a campaign for that, kaya nga may mga designated seats for those with special needs, kaya dun lang ako nanggagalaiti talaga. Uupo sa mga designated seats, anong gagawin to play or pretend to sleep, I just don’t understand kung bakit KAUNTI ANG MAGINOO DITO!

May isang instance na muntik akong mapaaway, kasi may isang student na nakipagunahan pa sa amin at talagang nakipagbalyahan para lang makaupo sa designated seat. Muntik kong patulan dahil muntik kaming matumba ni misis e…pero dedma ang bata, pagupo labas ng PSP at naglaro. May nakakita siguro sa akin na namumula ako kaya naggive up ng upuan ung katapat namin para mapaupo si misis. Hindi ko tinanggal ang pagkakatitig ko sa bata, hanggang sa makababa kami. Sabi ko kay misis, isang tuhod lang na malupit sige na, makaganti lang…sabi ni misis huwag patulan at huwag bumaba sa lebel ng mga bastos.

Marami pa

Sobrang dami pa akong kuwento on our daily commute sa MRT. Saka na lang, para may susunod naman na post, hahahaha!

This entry was posted in Buhay May Asawa, Buhay OFW. Bookmark the permalink.

8 Responses to MRT – Eksena ng Buhay

  1. a.r.d.y.e.y. says:

    andami ding cleavage sa MRT ng singapore. wehehehe.

  2. echo says:

    @pareng rj: hehehe…hindi ko napapansin un sa MRT…sa office ko napapansin un!

  3. bioniclugaw says:

    badtrip talaga yang mga tigasin sa loob ng tren. tigasin ang mga mukha. minsan sumakay ako sa MRT at may katabi akong buntis. nakatayo kami pareho. may isang lalakeng nakaupo na todo porma. kaharap nya mismo ang buntis na katabi ko. panay na parinig ko,” pucha pare paupuin mo naman tong buntis.” tanginers, parang walang narinig. tingin lang siya sa malayo. gusto ko nang tadyakan pero nagpigil ako. pucha, nakatutok na sa mukha nya yung malaking tyan ni buntis pero deadma pa rin si kupal. kumukulo tuloy dugo ko.

  4. ecxel says:

    @ pareng bionic: medyo iba ang take ko sa situation sa Pinas. don’t get me wrong, bad trip ako sa mga tigasing kagaya ng naikwento mo, pero I think medyo iba ang situation sa atin. Sa atin, may special area/cart for women, elderly, pregnant women and for those with special needs. Dito sa amin, fair game lahat ng cart, although as part of the government’s graciousness campaign, may mga dedicated seats lang for those with special needs. Kaya minsan, naba-bad trip ako sa mga babaeng ang lakas magparinig na hindi man lang daw maging gentleman at magpaupo. Two things, wala silang special needs at nandun sila sa ‘common’ area; kaya I think wala silang karapatang umasta ng ganun. Pero agree ako sa iyo, ibang usapan kapag buntis at sa mga matatanda…kahit common o special area, paupuin sila dahil mas kailangan nila ang upuan.

    Agree? Apir!

  5. lyzius says:

    trulalu ang mga sinabi mo jan parekoy…talentado ang mga taga dito sa MRT….hindi ko pa namamaster ang pagising sa tamang istasyon at kelangan ko pang mag alarm para lang di ako maibalik sa byahe (dahil marina bay ako bababa, madalas nakakabalik na ako sa city hall saka ko lang mamamalayan)…

    isa pang talent nila eh ang magbalance sa loob ng tren…sos mga pasikat sila sa “no hands” standing nila…ako kelangan pang makipagdukwangan sa pole o sa nakasabit na hawakan para lang di madaganan ang nasa paligid ko… pero sila kahit pa nagbabasa habang byahe hindi natitinag…

    naku naman, hindi naman talaga praktikal magtaxi dito dahil sa mahal at sa traffic na rin…sa dami pa ng ERP na madadaanan..kaya da best na ang MRT na sakyan…

  6. lyzius says:

    ngayon ko lang nabasa comment ni RJ…hindi lang cleavage, mga nakaluwang singit at kuyukot marami rin…

    saka yung mga galising binti at hita na nakabuladlad sa mga pekpek shorts nila…

    bwahahahaha…

  7. ecxel says:

    @ mareng lyzius…hindi ko nga napapansin ang mga ganyang bagay e…bwahahahaha! pero agree ako sa iyo, kahit na maraming makikinis dito, ang dami ko ding napapansin na galisin, tapos ang tapang mag maikling damit…ung mga tipong pangtaas lang at nakalimutan ng magsalawal! bwhahahaha! pa-cconservative epek! bwhahahaha!

  8. ecxel says:

    @ mareng lyzius: at saka nga pala, eto pansinin mo, kahit na may sumabog ng mabahong amoy, kahit saan pang source yan…hindi nagre-react ang mga lokal dito…hindi ko alam kung dedma sila o sanay na sila sa amoy o talentado lang din sila pagdating sa tiisan ng amoy! bwahahaha! weird!

    agree? apir!

Leave a reply to ecxel Cancel reply