Have you felt something like this before?

Headline kahapon, ngayon ang broadcast:

Isang estudyant ng NTU, nanaksak ng propesor, naglaslas at tumalon mula sa ika-apat na palapag ng gusali.

======================

Ikaw dear reader, ilang beses na bang dumaan sa kokote mo na manakit ng propesor mo? Ung tipong bwiset talaga to the maximum level? Ung tipong ginawa mo na ang lahat, pero sablay ka pa din? At kulang na lang e ibenta mo ang katawan at puri sa kanya para lang may mangyaring maganda sa iyo??

Sa kabutihang palad e hindi naman nag-occur sa akin na manakit ng propesor; dahil na din siguro nasa dugo ko ang pagiging propesor.

=====================

Nagulat ako sa balitang ito kahapon, sobrang nag-worry, dahil ganun na pala mag-isip ang mga kabataan ngayon. Apparently, this poor fellow lost his scholarship (refer to the article), at hindi na niya alam kung anong gagawin. Hindi din ito nalaman ng kanyang mga magulang at mga kaibigan, everyone was kept in the dark.

======================

Dalawa ang nakikita ko dito: Una, ganun na bang katindi ang pressure sa mga schools ngayon; at ikalawa, hindi na ba marunong mag-handle ng pressure ang mga bata ngayon?

Nakakatakot dahil meron din akong isang cute na cute na baby na eventually mag-aaral din in 4-5 years time.

Kahit ba anong siste ng pakikipag-usap ko sa anak ko e sadyang ganun na lang ang magiging attitude niya towards pressure at school and at work? Ganun na ba talaga ngayon ang mga bata, pabata ng pabata ang pagramdam sa pressure? Is 15 the new 30??

Ngayon ko nare-realize na tama ang e-mail na natanggap ko about the kids born in the 70’s to the 80’s…ung tipong uso ang fishball carts at hindi stands, laro sa kalye, betamax at kung anu-ano pang nauso nun…these kids then are now leading decision makers and are risk-takers. They know how to relax when needed and they more or less know how to react to pressure and stress.

Kaibigan, swerte nga tayo, at sana magawan ko ng paraan para naman mapalaki ko ng ganun ang aking little boy…ibalik ko sa kanya ang sistemang kinalakihan ko.

=================

Sana nga tama ang solusyon na naiisip ko.

=================

Good luck sa akin!

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

2 Responses to Have you felt something like this before?

  1. p0kw4ng says:

    sa nakikita ko naman dyan eh malaki ang kinalaman ng mga computer games ngayon…natututo ng mga biyolenteng gawain ang mga bata..nagkakaroon sila ng idea..

    tsaka yun na din ang isang factor..mahinang magdala ng problema….di ko masasabi kong dahil sa pagpapalaki ng magulang o talaga lang nasa attitude ng bata!

    • ecxel says:

      @pokie: sa tingin ko nga malaking impluwensiya ang mga technological advancements na ito..may mga pro’s and con’s ika nga. pero sana talaga tama ang maging pagpapalaki ko sa anak ko…para maging productive member siya ng society at hindi isang pabigat sa lipunan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s