More Reasons to Smile…

Oo, happy na naman ako mga readers kong loyal. Naks, parang ang dami talagang nagbabasa nito a? Wakanasusha!

First and foremost, may trabaho na aking one and only misis! She’ll be working as a Dental Assistant sa isang clinic na malapit lang sa aking place of work! Wahoo! Advantages: promise of a career growth dahil eventually she can apply for a recognition of her profession in the Philippines, minimal to nil late working, good remuneration, lapit lang sa office ko kaya sabay na kami papasok sa umaga, at dahil dun, mapipilitan na akong pumasok ng mas maaga sa office. Ayos! Negative spin? Promise pa lang ang career growth, at konti lang ang leaves niya, by MOM standard, 7 days lang ang total leaves niya, at wala silang health package. Ok na siguro un, covered naman sila ng health plan ko e.

Kung ako lang sana ang masusunod, ayoko sanang mag-work si misis, gusto ko mag-focus siya sa pagpapalaki ng anak ko. Kaya lang, medyo mahirap ang buhay ngayon dito sa SG, lahat nagmamahal na, hindi na nga nataasan ang sweldo namin, wala pang kasiguruhan na mag trabaho pa din kami at the end of the quarter! Wakanasusha o??

Nagra-rant naman ako e, masaya nga dapat diba?? O well, SMILE naman diyan and everything! Wakanasusha, ang corny! Fan ni Love Anover!

Second reason, my pictures are seeing a new light…source that is, dahil natupad na ang isa sa mga wisheshes ko this year. Just last week ay napasuko ko na din si misis at nakabili na ako ng external flash for my camera, wahoo! Ang saya, I like the quality of my shots, lalo na ang night/indoor shots! At maganda ang effect, without harming my son’s big round eyes! Some pictures to follow soon! Siguro next year na ang susunod na major camera accessory/stuff purchase. I’ll either upgrade my camera or buy a quality lense. For now, happy ako sa set-up ng gamit ko! Plus my wife gave me a quality tripod and UV filters for my lens last Valentine’s day! Ang saya, pwede na siguro ako mag-raket ng photography, next step, magpakadalubhasa sa Photoshop! Hahahaha!

==================

At oo, na-realize ko na ang language of love ko e gifts…materialistic pala akong tao. Pero hindi naman siguro…repressed childhood lang siguro! Na-realize ko din na kaya ganito na lang siguro ako kaluho sa mga techie stuff, e dahil hindi naman ako nagkaroon (or late ako nagkaroon) ng mga ganitong laruan. Case in point, lumabas na ang Sega Genesis at malapit ng i-launch ang Play Station 1, bago pa man din ako nagkaroon ng Family Computer, how olats is that!

But I am not blaming my parents, in fact, I loved them more because of this dahil naturuan nila akong mas maging pursigido para mabili ko lahat ng gusto ko! At sana ma-impart ko un sa anak ko, without depriving him of these stuff!

Advertisements
This entry was posted in Buhay May Asawa, Buhay OFW, Buhay Papitik-pitik, Buhay Tatay. Bookmark the permalink.

4 Responses to More Reasons to Smile…

  1. p0kw4ng says:

    ah siguro kaya materialistic din ako minsan kasi late din ako nagkaron ng mga bagay na gusto ko….imagine,25 years old na ako nag karon ng sariling mobile,hahaha

  2. ecxel says:

    oo, tingin ko nga ganun talaga ang psychology ng mga tao, kung ano ung wala ka dati o ung hindi mo nararanasan, un ang una mong priority sa gastos.

  3. Rose says:

    speaking of love añover, just in case di mo pa alam, engaged na sya sa boyfriend nya! kakatuwa ‘yung video kung paano nagpropose ang kanyang hunny bunny and ang reaction ni love: http://www.youtube.com/watch?v=_v_IhRYqf7s

  4. ecxel says:

    @rose: talaga namang may link pang provided ang comment mo, hehehehehe! oo, naikwento nga sa akin ito ng aking biyenan, hahaha, mamayang konti papanoorin ko ito para naman matawa ako ngayon, hehehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s