Pa-swimming-swimming

Ganyan ang estado ng mga ideya sa utak ko, paswimming-swimming, walang matinong sense of direction. Kaya pagpasensiyahan niyo na, ang entry na ito ay wala ding direksiyon…

===============

Isa munang patawa:

Sabi sa akin ng Ninong ko, sa susunod na eleksiyon ay parehong lalake ang mauupo bilang Presidente at Bise-Presidente…Nasasaad na daw iyun sa tadhana at sa taon na iyon.

Bakit naman po Ninong? May susuportahan na ba kayo?

Tignan mo ang taon ng eleksyon, 2010.

We’no naman ngayon po?

Ganito ang basa talaga diyan: 2-o10, two-oten, dalawang-oten!

We we patawa hindi naman kalbo, nakakalbo lang!

=================

Ang ganda ng nilalaro ng aking team na Los Angeles Lakers. Kahit nawala na si Andrew Bynum dahil sa injury, ok pa din sila, as evidenced by their road wins in Boston and Cleveland, one breaking a 12-game streak and the latter, breaking a 23-game home winnings treak.

Sana magtuloy-tuloy pa ito, para derecho sila uli sa Finals! Hehehehe!

The Black Mamba for MVP!

====================

Ang dami kong nababasang blogs lately. Usually mga OFWs din sila, kay parang nakaka-relate din ako sa mga kwentuhan nila. May wholesome, may pa-wholesome, may mga bastos din pero maginoo pa din, and those something in between. Ang sayang magbasa, maki-relate sa kwento nila at i-apply ang mga lessons na matutunan mo sa kanila.

Nandiyan ang mga writings ni idol BatJay, si Pokwang na nasa bansa ni Hitler, si Pareng RJ sa Qatar, si Mang Badoy na nasa Malaysia, mga kapwa ko dito sa SG na sina Gasoline Dude at Lyzius, at ang blog royalty from the US na si Reynz. At madaming-madami pa sila diyan!

Ang sarap magblog-hop, un nga lang ang liit na ng screen ko kasi tinatago ko lang para hindi makita ng mga bossing at ng mga feeling bossing ang ginagawa ko talaga.

====================

Nag-paplano kaming umuwi ng October, para sa 1st birthday ng anak ko. Malungkot kasi kung dito dahil kakaunti lang ang mga kaibigan namin dito, sa Pinas na lang para mas masaya dahil kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Plano din namin umuwi for XMas, pero parang hindi kaya ng budget, kaya bahala na si Lord.

================

Ang anak ko ay nagiging Boy Bungisngis, lalo na pag gising at babatiin mo ng Good Morning tapos susuklian ka ng ngiti na may kasamang hagikhik (na minsan may kasamang suka!) naku naman, ang sarap ng umaga mo. At paguwi ko, kung gising pa siya, makikipagtawanan lang sa iyo, ay sus tanggal ang pagod ko. Ang saya talaga, sulit ang pagod ko para sa pagiipon para sa magandang buhay ng pamilya ko. Saka na ako mag-post ng bago niyang picture. Hehehehe!

==================

Sa mga nakakaunawa ng photography, sulit ba ang bumili ng Canon Speedlite 430EX II? Yun lang kasi ang kaya ng budget ko e. Hehehehe!

=================

Ang daming nang-indiyan sa amin nung binyag ng anak ko, kaya sa birthday ng anak ko, isang beses lang ako papadala ng invitation, kung ayaw mo pumunta ok lang, nakakasama lang ng loob na isa-isa mo silang tatawagan para pumunta, magco-confirm tapos biglang hindi susulpot! Hassle!

=================

Eto ang mga gusto kong mabili sa taong ito, na sana kayanin ng budget ko:

1.) isang classical na guitar – nami-miss ko na kasi ang may instrumento sa loob ng bahay, lalo na ang gitara kong iniwan ko sa utol ko.

2.) white running shoes – wala lang, may black na kasi ako e, para naman maiba paminsan-minsa ang aking pormang, khaki cargo shorts, shirt at black rubber shoes. white naman this time!

3.) bicycle – masarap mag-bike, nakaka-enjoy na humahampas ang hangin sa mukha mo, at medyo bibilis ang pagpunta ko ng MRT galing sa bahay at pabalik.

4.) Canon 24-70 2.8f/L na lens

5.) Canon Speedlite – ung 430EXII na lang kasi un lang ang kaya ng budget ko.

==================

Gusto ko na lumipat ng industriya, mukhang hindi akma ang pasok ko sa banking industry e. Parang masaya pumunta sa manufacturing o kaya sa oil/gas indutry.

==================

Sana sa susunod na 10-15 years ay ma-realize ko na ung dream ko na sariling school. Ang idea ko sana e undergrad version ng AIM, isang school na topnotch at catering talaga to Business courses. Ang tagal ko ng pangarap ito, high school pa lang ako sa Notre, nakalagay na ito sa mga goals ko.

Pero sa ngayon, happy na ako sa isang review center or tutorial center muna, start small ika nga.

=================

Kung umabot ka dito, salamat sa pagtiyagang magbasa. Sana hindi ka nabaliw sa gulo ng utak ko ngayon, bwhahaha!

Mag-comment ka naman kaya? hahahaha! Please? Nagmamakaawa ako!

Advertisements
This entry was posted in Buhay May Asawa, Buhay OFW, Buhay Papitik-pitik, Buhay Tatay, kung anu-ano lang, Palakasan. Bookmark the permalink.

15 Responses to Pa-swimming-swimming

  1. a.r.d.y.e.y. says:

    wow at talagang naispecial mention pa ko ha. salamat din sa pagbisi-bisita sa bahay ko. nga pala, taga-notre ka nga rin pala ano? anong batch ka nga ulit?

  2. ecxel says:

    @ pareng rj: batch 96 ako, ang tanda na no? naaalala mo ba ung Homeroom workbook? Andun ung mga pangarap/goals ko, naalala ko lang bigla! bwahahaha!

  3. p0kw4ng says:

    aww tats naman ako at natawag ang pangalan ko..salamat ha:)

    nakarelate naman ako sa gulo ng utak mo kaya wag kang mag alala..natapos ko naman ang pagbabasa ng walang nililikdangan,hihihi

    goodluck sa mga plano mo at gustong mabili…pag medyo luwag ka isama mo na din yung mga gusto kong bilhin,hihihi

    • ecxel says:

      @p0kwang: salamat sa paninilip sa aking blog! nakakataba ng puso na pinuntahan mo ito, hahaha! happy birthday sa iyo! sayang, nikon user ka e, canon ako, hindi tugma ang mga gamit natin, kaya hindi kita maibibili! bwhaahahaha!

  4. bioniclugaw says:

    napadaan lang. nakita ko lang yata sa site ni badoodles. sabi ko comment. newbie lang po. hehe

  5. p0kw4ng says:

    mali ka don dahil canon user din po ako…o ha o ha maibibili mo na ako..lens lang pwede na sa akin,hihihi

  6. ecxel says:

    @pokwang: mas malaki pa ang kita mo sa akin, kaya dapat ako ang bilhan mo ng lente! hahaha! Canon 24-70 2.8F lang masaya na ako! hahahaha!

  7. lyzius says:

    oi bakit di ko agad nakita na me incoming lenks pala ako sa blog na ito…

    sos tanda ko nagcomment ka sa blog ko at nakipag exchange gift ehe links pala pero wala ka namang link na nilagay dun…

    kaya di ko na update ang lenks ko…

    hmmmm magsama kayo ni pokwang na canon user…ahuhuhuhu…nikon kasi ako…

    lagay na kita sa blog roll ko ah

  8. lyzius says:

    napansin ko sabi mo batch 96 ka…ako din batch 96…apir!

    • ecxel says:

      @ lyzius: oo batch 96 ako, kaya apir! sensya na, natanga lang sa pagdagdag ng mga links links thing sa blog na ito, hahaha!

      mabuhay ang mga OFW! ang saviour ng Pinas economy! Ano daw?!?!?!

  9. bioniclugaw says:

    Maliban sa family nyong mga OFW, ano pa namimiss nyo sa pinas? sarap kumain ng pishbol sa kanto saka maghalu-halo ngayong tag-init. hehe
    Gusto ko rin sana mag-OEPDABALYU pero sabi ng classmate kong nasa Canada, Kung kaya ko naman daw dito at ok pa naman, mas maganda daw dito parin sa pinas. Kumusta naman dyan sa SG? mas mainit yata dyan kesa pinas. grabe init dito ngayong summer

    • ecxel says:

      @ bionic: sobrang dami kong nami-miss, i intend to put one long entry for all the things that i miss that are uniquely pinoy, hehehe! medyo mainit na din dito, pero madalas pa din ang ulan, kaya ang daming may flu, uso ang sakit. at siyempre, malagkit pa din dito, hehehehe, humid kasi e!

  10. bioniclugaw says:

    ok lang sana mainit basta hindi ganun kataas yung humidity. anlagkit sa katawan nyan parekoy. beri uncomftabol. balak ko din sana gumawa ng entry tungkol sa mga bagay na mamimiss mo sa pinas kapag nag-abroad ka. gusto ko kasi mang-inggit ng OEPDABALYU, hehehe.

    paalam ko lang, lagay kita sa blog roll ko ha, naliligaw ako minsan pag hinahanap ko ang bloggy mo. nakakalimutan ko yung url.

  11. ecxel says:

    @bionic: hayufff! at nang-inggit pa talaga e no, hehehe, ok lang bro, tanggap ko naman ang ganung kapalaran nung nagpasya akong dalhin ang pamilya ko dito e.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s