Staying Alive!

Kaibigan, buhay pa ako, nawala lang ako sa mundo ng blogging dahil sa dami ng nangyayari sa buhay namin ngayon. Nakuntento ako sa blog hopping…nakakaaliw basahin ang kwento ng mga tao…may mga natunton na site ng mga kapwa OFW dito sa Merlion City at nakakatuwa dahil nakaka-relate ako sa mga kwento nila.

Ano na ba ang mga nangyari sa akin buhat ng aking huling blog ng Pasko?

Una, umuwi kami ng Pinas para sa kasal ng utol ko at para sa binyag ng aking anak sa Pinas. Pangalawang binyag na un ng anak ko, dahil napabasbasan ko na din siya dito bago pa kami umalis. 2x siyang Kristiyano, at sana mas lalong bumait, hahahaha!

Ang saya ng kasal ng utol ko…tinaguriang Wedding of the Century dahil sa dami ng bisita…hindi naman masyadong showbiz, pero wakanasusha, higit ng 500 and dumalo, kaya parang biglang sumikip ang Grand Ballroom ng Sofitel, hahaha! At, Santacruzan ang effect ng entourage dahil sa dami ng kasali…15 pares na sponsors, 8 bridesmaids, 8 flowergirls, 2 maids of honor…ahhh basta…ang haba! Hahaha! Bottom line, nag-enjoy ako, at ang mga bisita din dahil sa cute na cute na baby ko!

Noong binyag naman ng anak ko, ang dami din nagpunta, buti nagkasya ang budget namin…nakakataba talaga ng puso, lalo na ang mga taong hindi mo naman inaasahan na pumunta pero nag-effort para lang tuntunin ang simbahan at ang reception. Iyun na din ang naging pagkakataon namin para makita ang ibang kaibigan at kamag-anak namin na hindi na namin isa-isa pinutahan. At, madaming nagbigay ng gifts, hahaha, ang dami tuloy bagong stuff ng anak ko! hahaha!

Ano pa ang mga pinaggagawa ko lately? Hmmmm…

Chinese New Year was spent sa bahay ng sis-in-law ko, kung saan kami nagpasko. During that holiday break, at since andito din ang lola ni misis (kasama pa ang biyenan kong babae, one big happy family diba?), napgtripan naming mamasyal sa Singapore. BIG MISTAKE! Sobrang daming tao kahit saan, lalo na sa may Merlion, bad trip, nakikipaggitgitan na nga kami e. Pero ok lang, carry pa naman, hahahaha! Hassle ang ibang shots ko kasi may mga makatuntong sa paanan ng merlion, kahit may tubig!!! Ang dami talgang pasaway dito, at hindi na ako magbabanggit ng lahi, baka may pumalag na naman at mag-comment, at magtago sa user name na anonymous! That was Monday.

Kinabukasan naman, sa Sentosa Flower Express…nagkataon na mahilig ang lola sa flowers, kaya go kami uli, as one big happy family. Ayun, sobrang dami din ng tao, hindi ko tuloy na-enjoy ang sites at ang picture taking opportunity dahil sa lintek na dami ng tao! Hahahaha!

Pero what do you expect, maliit lang ang bansang ito, at kapag may event, lalo na’t libre, dadagsa talaga ang mga tao…haaayyyy…Sayang hindi namin nagawang mamasyal sa ibang bansa, dahil sa krisis, pero mabuti na din at kahit papaano e naging tourist uli ako, hahahaha!

Advertisements
This entry was posted in Buhay OFW. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s