I Cheat You!

Nung nasa Pinas pa ako, ang umaga ko ay defined by two things: mukha akong sabog o puyat at may hawak akong kape — ang aking walang kamatayang Triple Grande Cafe Mocha no-whip non-fat drink!

Coffee addict ako, sobra! Correction, Starbucks coffee addict ako! Hindi makukumpleto ang araw ko dati kung hindi ako nakapag-kape, hot or cold. Kahit na nung panahon na nagtitipid ako, hindi nawala ang budget ko sa kape, un nga lang medyo lumiit ang size.

=========================

Stock holder ang re-puta-syon ko sa Starbucks sa Enterprise. Sa mahigit na 3 taon akong nasa building na iyon, nakilala ko lahat ng barista at manager na nagtrabaho sa branch na iyon. Nakita ko kung paanong nagbago ang tindahan nila, hanggang sa lumaki. Nakailang palit na din sila ng tao, pero ang mga barista at manager ay nagbibigay pugay pa din…They take that extra effort to know you and your drink and how you like it prepared. At kahit lalabas kami ni misis, dapat may panghimagas or after date coffee at syempre dapat iyun ay sa Starbucks.

=====================

Pero ngayon, medyo may kalayuan ang Starbucks sa aking kasalukuyang opis, buti dahil nagtitipid ako, at saka mas mahal ang presyo ng Starbucks dito, nakakapanghinayang…Gaya na lang ng chocolate drizzle on top ng iyong Frappucino, sa Pinas parte un ng drink mo, dito kailangan mong magbayad ng 50cents para dun…Wakanasusha, extra 15pesosesoses para sa choco syrup?!?!?!?! Mga wakanasusha pala sila e.

====================

Dahil diyan, nagkaroon na naman ako ng dahilan para talikuran ang aking pagmamahal sa Starbucks, Ate Charo…Nakuntento ako sa libreng tea at coffee sa office, at saka ang aking occasional (na medyo regular) na Pearly Soy Milk ng Mr. Bean. Mapayapa ang buhay at matipid.

(itutuloy…)

Wakanasusha, pa-suspense pa ang effect!

Advertisements
This entry was posted in Buhay OFW, kung anu-ano lang. Bookmark the permalink.

4 Responses to I Cheat You!

  1. reyna elena says:

    ~knock~ knock~ anybody home?! makikipasko sana hahaha!
    have a wonderful christmas and watosi friendly new year!

  2. ecxel says:

    Merry Christmas din po sa inyo! Hahaha! Namasko din po kami sa ibang bahay e, kaya wala pong tao, hehehe!

  3. a.r.d.y.e.y. says:

    bat kaya karamihan din ng babaeng barista ng starbucks eh cutie? hahaha!

    at sa singapore ko unang nagustuhan ang soya milk na binebenta sa mga food court.

  4. ecxel says:

    damer ka nga ser RJ! dahil mas nauuna mong mapansin na cutie ang mga barista kaysa sa masarap na kape na hatid nila, bwahahaha!

    diba may gout ka din? bawal pala sa atin ang masyadong pag-inom ng soya milk, kaya sobrang bawas ako sa pag-inom, dati halos daily, ngayon once or twice a week na lang. haaaayyyy…

    happy new year sa iyo pre!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s