The Judge Banged His Gavel

Walang kinalaman ang post na ito sa batas, isang simbolismo lamang yan ng aking hinanakit na nararamdaman ngayon.

Ang Gavel

Nakatanggap ako ng isang e-mail broadcast galing sa kataas-taas-taasan ng aming kumpanya na naglalaman ng malalagim na balita na kasing dilim ng kaulapan ngayon sa Singapura at sa ibabaw ng aking ulo.

Hanggang sa 1st quarter ng susunod na taon, magbabawas kami ng higit sa 5,000 empleyado, karamihan ay manggagaling sa aming grupo. At sa hulihan ng liham, nagbitaw ang mga big boss na walang matatanggap na bonus ang lahat ng empleyado ng bangko.

Ang sakit – dahil siguro sobrang inaaasahan ko na kahit papaano ay may matatanggap kami kahit na isa o dalawang buwan man lamang, dahil nga ang sistema dito, 12 months lang talaga ang ibabayad sa iyo (unlike sa Pinas na may 13th o minsan pa, 14th month pay).

Nakita ko naman lahat ng warning signs e, nagkagulo na sa ‘Merika, nagtanggalan na ng mga tao sa marami pang bangko dito, maraming mga expats ang nagbalikan sa kani-kanilang mga bansa. Pero naging matatag ako, siguro naging matigas din ang aking ulo, at umasa ako na magbabago pa iyan at may pagkakataon pang umangat lahat.

Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko na manatili dito sa Merlion city, pero anong buhay na nga ba ang babalikan ko pag bumalik ako ng Pinas. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan, nagagalit ako sa sarili ko, nalulungkot, at natatakot ako sa mga mangyayari.

Ang tanging pinilakang guhit (silver lining) na nakikita ko e may trabaho pa din ako ngayon. Confident, at borderline pig headed ako, na ok ang grupo ko…sino na lang ang magpo-proseso ng mga kabayaran sa mga aalis kung babawasan nila kami…pero un nga hindi natin alam. Isa ako sa pinaka-“bata” sa groupo namin, kaya hindi ko alam, kung saka-sakaling pagbasehan ang seniority at tenure, anong laban ko? Maliban sa gandang lalake ko, ano pang laban ko sa mga taong andito na halos buong karera nila?

Malakas ang pananampalataya ko sa Kanya, at alam kong ituturo Niya sa akin ang dapat kong gawin, directly man o hindi, at kung minsan kailangan pa din akong batukan. No sense na isipin ko ngayon, dahil walang nakakaalam ng mangyayari sa kinabukasan.

I’m keeping my options open, I have updated my CV just in case…Loob ko na lang ang kailangan kong ihanda siguro.

========================

Natatakot ako ngayon, kinakabahan, at kahit na nakita ko ang maliwanag na banda, hindi pa din ako kumbinsido na dapat nga akong maging kampante at magngingiti uli.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

========================

Sana ipagkaloob na sa akin ung matagal ko ng hinihiling sa Kanya.

======================

I’ll think positive…not just try, but I’ll do it. Yun ang sabi sa The Secret and ni Paulo Coello…if you want something, the entire universe conspires with you.

Sa mga makakabasa nito, isama niyo ako sa dasal niyo. Hindi niyo man ako kakilala, pero humihingi ng tulong na dasal ang inyong kapatid sa blogosperyo. Mas effective daw kasi kapag maraming nagdadasal para sa iyo. Please?

Advertisements
This entry was posted in Buhay OFW. Bookmark the permalink.

2 Responses to The Judge Banged His Gavel

  1. a.r.d.y.e.y. says:

    nakakatakot nga ang nangyayaring recession. tama yung sinabi mo, isipin mo na lang na mas nasa okey na lugar ka pa rin kaysa sa mga nasa pilipinas pa at gustung gusto umalis. goodluck sa ating lahat.

  2. ecxel says:

    nagpapasalamat na lang ako at sa mga oras na ito ay may trabaho pa din akong matino. nakakatakot talaga…mas mahirap nga kasi wala akong naririnig na ugong, biglang buhos ang dating lagi ng balita dito sa amin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s