Ako’y Isang Pinoy

Noong isang gabi ginanap ang aming year end party para sa aming bank. Masaya, madaming tao, ang daming pagkain, daming inumin, pero siyempre marami ding ‘anu ba un?‘. Ang dami kong realization nung gabing un, eto ang ilan sa mga iyon:

  • Ang daming Indian sa aming company. Kahit saan ka tumingin nung gabing un, may Indian, mas madami sila kaysa sa mga Chinese, sa tingin ko. Ang iba dun marahil ay local din, ung iba galing siguro ng main land. I think karamihan sa kanila ay sa IT. Ayoko na lang mag-comment baka kasi may ma-offense na naman ako e, hehehe, naniniguro na lang po.
  • Ibang mag-party ang mga Pinoy, masaya, may magulo man, pero mas mangingibabaw na masaya ang party. Nung gabing un, hindi ako masyado nag-enjoy, at madaming magulo na hindi naman nakakatuwa…Nakakatawa oo, pero hindi nakakatuwa. Siguro masyado kong naikukumpara sa party na huli kong hinost at inattendan sa Pinas. Masaya ung party na un, at madaming lasing…pero I’m sure madaming napangiti dahil sa party na un.
  • Mahirap ang buhay ngayon, lalo na ang mga nasa banko dahil sa kabi-kabilang problema sa global market. Swerte na din kami kahit papaano e nairaos namin ang aming party, ang alam ko may mangingilang bangko na wala talaga this year. Un nga lang, medyo tinipid ang mga raffle prizes namin, sa mahigit 2,000 na empleyado, 10 lang ang premyo, kaya ang daming medyo bad trip na umuwi, actually isa na ako dun, hehehehe, dahil un lang talaga ang pinunta ko sa party. Kung manalo man, ibebenta ko un, para may pangdagdag ako sa pondo ng anak ko, hehehe!
  • Kahit na anong asimilasyon ang gawin ko dito, kahit na magbago ang punto at pananamit ko, mananatili pa din akong isang foreigner sa bansang ito. Usually, kahit saan ako magpunta sa Pinas, may at least isa akong kakilala, lalo na pag party; pero ng gabing un, sobra akong nalungkot, dahil kailangan ko pa talagang hagilapin ang mga iilang tao na kaibigan at kakilala ko sa party na un. Nakakalungkot talaga, pero isa un sa mga challenges na kailangan kong malagpasan, kasama yan ng nagdecide akong maging OFW.

Haaaayyyy…ilang araw na lang birthday na ni misis, sana may maganda akong maibigay sa kanya.

PS.: Pasensya na at walang kwenta ang post na ito, gusto ko lang maglabas ng saloobin ko.

Advertisements
This entry was posted in Buhay OFW. Bookmark the permalink.

2 Responses to Ako’y Isang Pinoy

  1. reyna elena says:

    OFW ka rin?! hahaha! welcome! hahaha! salamat sa pagdaan sa site ko!

    “Kahit na anong asimilasyon ang gawin ko dito, kahit na magbago ang punto at pananamit ko, mananatili pa din akong isang foreigner sa bansang ito”

    Tumpak. Yong assimilisasyon is only to make things better for you or for me sa bagong kultura, because we have to move on with our lives. Ang hirap ata na nag-iisa ka taz babaguhin mo ang kultura nang ilang milyong tao hahaha! But we will always be Pinoys no matter what…

  2. ecxel says:

    salamat sa pagbisita! uy, may royalty na bumibisita sa site ko 🙂

    at oo, Pinoy ako Pinoy tayo! Ipakita sa mundo kung sino ka…I love that song by Orange and Lemons, kahit na rip-off siya at highly commercialized hehehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s