Thank You!

Sa lahat ng nagiliw sa mga larawan ng unang araw ng aking anak; sa mga natuwa at sumubaybay sa aming masaya at nakakapagod na adventure; sa lahat ng naaliw at nakiusyoso sa aking unang (the first of many) cyber mail sa aking anak

MARAMING MARAMING SALAMAT!

Na-tats kami sa mga comments niyo, at naaliw kami sa pagbabasa. Paumanhin at hindi ko na isa-isang mareplyan ang lahat, kaya’t hayaan niyong sa pamamagitan ng blog na ito ay mapasalamatan namin kayo, mula sa kaibuturan ng aming puso.

SALAMAT!

Sa pakikisama, sa pagmamahal, sa pag-alala, sa pagdamay…Sobrang saya naming mag-asawa sa pagdating ni Baby Kyle, at salamat at naramdaman niyo din ang kaligayahan namin.

Hope you will always be a part of our celebration of life and of our journey in parenthood.
===========================

Just some update…umuwi kami ng Saturday, ok na ang lahat. Tuesday, dinala na namin si waks jr sa kanyang first official paediatrician consult, at medyo hindi ok ang findings dahil may jaundice siya at medyo borderline. He needs to undergo light treatment; para bang sisiw na kailangang ilawan; parang ganun ang kailangang gawin for waks jr. Sabi nga ng Lola Mommy, kung sa atin yan, ibabad lang sa araw yan at tanggal na ang paninilaw. Anyway, as of today, sabi ng kanyang pedia e bumaba na daw substantially, pero kailangan pa din ituloy ang pagbibilad kay waks sa early morning sun. Kaya tuloy pa din ang aming father and son bonding sa ilalim ng araw.
===========================

Speaking of bonding, my son, at one-week old, can already lift his head and move from side to side during sleep. What? You don’t believe me? Naintindihan ka namin, kasi kahit ang Lola, at ang OB ni misis ay hindi makapaniwala e. Kaya tignan mo na lang ang aming wonderkid

My son at one-week old playing on Papa’s wide chest! No tricks po iyan, nagawa niya po yang pose na yan for almost a minute, hahahaha! At nataranta pa ang kanyang nanay sa paghahanap ng camera. Hahahaha! Proof na may bionic wonders sa ating mundo, hehehehe!

Advertisements
This entry was posted in Buhay Tatay and tagged . Bookmark the permalink.

6 Responses to Thank You!

  1. R.J. says:

    wow astig ang posing pare. ang galing at naiaangat na agad nya ang ulo nya. parang nagsusunbathing lang sa beach. hehehe. whoooo kakainggit! hehehe. =D

  2. ecxel says:

    ser RJ, don’t worry at darating din ang inyong little angel soon! 🙂 at aabangan ko din ang makukulay na kwento mo tungkol sa iyong baby!

  3. badoodles says:

    ke bata-bata pa lang, marunong nang pumorma. parang nagsa-sight seeing lang ng mga tsiks. gusto yatang magyaya sa beach nang makakita ng naka-two piece. haha. inggit na din ako.

  4. ecxel says:

    pareng bads…don’t worry, malapit na din dumating si bads jr! hehehe! at gaya ng sabi ko kay ser RJ, aabangan ko ang pics at ang mga kwento ng anak ng badoodles! 🙂

  5. boni station says:

    pag laki nyan model yan! gifted child eh! great!!

  6. ecxel says:

    salamat po ser boni! pwedeng model, pwede din boxer, hehehe, basta ako ang manager, hehehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s