Liham para sa iyo anak…

Inspired by Pareng Badoods’ e-mail to his son Badoodles Jr. Wag niyo sanang isiping copy ket ako, natuwa lang ako talaga sa post na iyon kaya gusto ko ding gumawa ng letter para sa anak ko…

Anak ko, ano nga kaya ang itsura mo paglabas at paglaki mo? Nakita kita sa 4D scan nung umuwi kami ng Pinas ng Mama mo, you got my lips at ang mataba kong pisngi. Ang sabi ng OB e mahaba kang bata, at malaki ka, sana huwag mong pahirapan ang Mama mo pag labas mo a? Normal lang ang delivery para ken afford sa budget, ok? Anak ko, ang guwapo mo, pero hindi ko makuha kung sa akin ka nagmana o sa Mama mo, basta kung sino man ang kamukha mo, maswerte ka, dahil pareho kaming may itsura, hahahahaha! Sa mga grandparents mo, magpapa-bidding ako sa kanila, para pwede nilang angkinin ang pagiging kamukha nil, exclusive un at may patent pa.

Anak ko, excited na ako sa paglabas mo, ikaw ang ikatlong lalaki sa pamilya ko, at ikalawa sa pamilya ng Mama mo. Napapaligiran tayo ng mga chicks, pati na din ang pinsan mong buo, babae din. Magaganda at matatalino ang babae sa pamilya natin, kaya paglaki mo, kailangan mo silang ipagtanggol, iyan ang biling mahigpit ng tatay ko, na lolo mo, huwag na huwag kang mananakit ng babae at lagi mo silang gagalangin. Sige ka, pagbuhatan mo ng kamay ang kahit sinong babae, dobleng gulpi ang aabutin mo, isa galing sa akin, at isa galing sa Lolo Pogi mo! Tatandaan mo na maging magalang sa LAHAT ng taong makakaharap mo, kahit mas bata pa sa iyo yan, gagalangin mo ang bawat isa!

Baka isipin mo strict akong Papa, e hindi, diyan ka nagkakamali. Meron lang akong mga rules na dapat susundin mo, para wala tayong problema, trust me, madali lang ang mga ito, at ito ang huhubog sa iyo para maging mabuti kang tao, ito din ang natutunan ko sa Papa ko, na natutunan niya sa Lolo Tinoy. Kaya eto, dapat ipasa ko naman sa iyo!

RESPECT should come from LOVE and ACCEPTANCE, and not from FEAR! Kapag ginagalang ka dahil takot sila sa iyo o sa pwede mong gawin, hilaw un, asahan mo pag talikod mo, sangkatutak na chismis ang aabutin mo.

EDUCATION is the KEY. From books, TV, interweb, life lessons, importante yan sa buhay, tandaan mo na kahit saan ka mapunta, meron at least isang tao na mas may alam kaysa sa iyo, learn from them. Maging sponge ka, absorb mo lahat ng information na kaya mo. Nasa sa iyo kung paano mo ififilter kung anong mabuti sa hindi, kapag hindi alam, itanong mo sa amin ng Mama mo, or consult ang konsensya mo, or better yet, idaan mo sa dasal.

MATUTO KA MAGLARO Anak ko! Sports, computer games, board games, educational games, indoor, outdoor, extreme sports, kahit ano, huwag na huwag ka lang maglalaro ng APOY! Delikado un, at hindi un tugma sa usapan nating galangin ang lahat ng tao!

Maging BALANSE ka anak! School, extra curricular activities, church, community, social activities, kung baga maging Jack-of-all-trades ka, at kung makita mo kung saan ka magaling sabihin mo sa akin at baka makatulong kami ng Mama mo na ma-maximize natin yan! Pwede kang maging accountant, doktor, teacher, athlete, businessman, kahit ano basta masaya ka at gusto mo ung ginagawa mo. Tandaan mo lang na darating ang panahon na ikaw na ang gagastos para sa sarili mo, kaya maging wais sa decision mo. Basta balance lang lahat dapat, tamang oras sa aral at laro; tamang oras sa pamilya at kaibigan at sarili. At saka, kung maglalaro ka man ng basketball, matutunan mo sana mag-dribble at mag-shoot na gamit ang kaliwang kamay, para hindi puro kanan…kaya lagi akong naagawan at nasusupalpal anak e.

Alamin mo ang ibig sabihin ng SENIORITY anak! Pinaghirapan ng mga tao kung nasaan sila ngayon, kaya wag kang manggugulang. Pag may pila, magsimula ka sa likod pumila; kapag may mas senior sa trabaho, sa organization, sa school at kung saan pa, learn from them para pag dumating ang panahon na ikaw na ang senior e alam mo kung anong pinagdaanan nila. Huwag na huwag kang mangaapak ng tao para lang tumaas ang ranggo. Sa gymnastics at cheer dancing lang ginagawa ang pyramid para tumaas, sa buhay walang ganun.  Sa bahay natin, si Papa at Mama ang senior, kaya dapat alam mo na ang PC at ang TV ay firstly sa amin, pero hindi naman kami madamot ni Mama mo e, don’t worry you will have your chance.

Lastly, LOVE YOUR FAMILY! Ang kaibigan at kalaro pwede kang iwanan niyan pag dating ng panahon, ang pamilya, you’re stuck until eternity. Sila ang ultimate kakampi, fan, karamay, playmate at kaibigan mo at alam mong hinding-hindi ka namin iiwan. Mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig; at hindi naghahalo ang tubig at langis, hahahaha!

O sige anak, kapag naiintindihan mo na ito, mag-reply ka kay Papa a? Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat kahit na magbenta ako ng katawan para mabigyan ko kayo ng magandang buhay ng Mama mo. Eto namang pinagsusulat ko e hindi absolute, binigyan ka ng choice ni Papa Jesus para gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay tama. Andito lang kami ni Mama mo palagi at hinding-hindi ka namin iiwanan.

Love,

Papa and Mama WAKANASUSHA

Advertisements
This entry was posted in Buhay May Asawa, Buhay Tatay and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s