Dilemma

Q:  Anong sabi ni Nelly nung nabulag siya?
A:  Dilemm-a!

Nyeh! Ang corny! WAKANASUSHA naman o!

====================

Seriously, meron akong malaking dilemma ngayon, at sana kung meron mang nagbabasa nito e matulungan niyo ako.

MAGPAPAKALBO AKO! Hindi Bembol kalbo, ung meron bang millimeter ng buhok, semi-kal yata ang tawag dun!

Big deal! Wakanasusha! Uso naman e, pero hindi ako kumportable sa decision ko, at parang si misis e hindi din yata ayus dun.

Konting background (insert flashback effect and sounds…)

Mga two or three years ago, pinansin na ni Erpats na medyo patuloy na tumataas ang aking widow’s peak, heart shaped kasi ang mukha ko, mukha ng pagmamahal! bwahahaha! Pero bukod dun, napansin niya na lumalaki na din ang puyo ko, senyales na daw ito na ako ay magiging HIV o hair is vanishing!

Kung ngayon mo lang nalaman na cowlick ang ingles ng puyo, pareho tayo, wala akong makitang definition ng puyo e, ang nakita ko lang translation!

Going back, nagsubok ako ng mga para-paraan. Nandyan ang gamot ng nanay ko na ang baho, sinubukan ko din ang gugo, ang hair booster treatment ni Mama Ricky…pero wala pa din, patuloy pa din ang paglalagas ng aking crowning glory!

Going back to present (you know, ngayon!)…naiinis si misis dahil sa tuwing magwawalis siya e lagi na lang may buhok at bulbol ko nakakalat kung saan-saan! Nadiskobre ni misis na side effect yun ng iniinom kong gamot, unusual hair loss. So, ang resulta ng hereditary, side effect from medication, at stressful life ay ang patuloy na paglalagas ng aking buhok.

And I give up, irreversible! May mga available treatments sa merkado ngayon, pero lintek, sobrang mahal naman! Hindi ko kaya…I am desperate that’s why I have this problem now…

Anong nag-eenganyo sa akin na magpakalbo?

  • Low maintenance! Hindi ko na kailangan mag-shampoo, magsuklay, mag-wax at magpagupit. Razor lang ang katapat, solb na!
  • Presko! Pawisin ako sobra, sa tingin ko mas madali akong malalamigan, sana!
  • Aero/Hydro-dynamic. This is in hope na medyo bumilis ako ng kaunti sa swimming or sa cycling, again, asa at sana!
  • Madami namang kalbo sa SG, at sa tingin ko ay hindi magbabatukan ang mga bata pag nakita ako (Pendong may kalbo!), kasi hindi naman uso dito un!
  • Bad boy ang pwedeng bago kong image! hahahaha!

At ano naman ang pumipigil sa akin?

  • Baka magmukha akong tanga o nakakatawa o nakakatawang tanga o tangang nakakatawa!
  • Tsapad ang likod ng ulo ko! Sabi sa akin, bagay magpakalbo kung bilugan ang ulo mo, parang si MJ or si Kobe!
  • Professionally, baka mawalan ng respeto sa akin ang mga kaopisina ko dahil mukha akong tanga o nakakatawa o…
  • Baka hindi ako seryosohin ng mga tao!
  • Baka hindi ako makilala ng mga tao sa Pinas paguwi ko, at sabi ng Nanay ko mukha daw akong goon nung nagpa flat tops ako, paano pa daw pag nagpakalbo ako.
  • Confidence issues. Ngayon hindi ko masabi kasi ok naman ako, pero hindi ko alam kapag nagpakalbo ako.

Kung baga sa Cost-Benefit Analysis, lamang ang cost kaysa sa benefit. Sabi nga pag lamang ang cost, huwag mong ituloy, pero kahit na alam ko ang pro’s at con’s ng aking dilemma, hindi ko pa din alam ang gagawin ko.

=====================

Sabi ko sa misis ko, hintayin kong matapos ang first birthday ng anak ko bago tumuloy sa aking decision, so next year pa nakatadhana kung sasailalim ako sa razor o steady lang sa aking laging magulong buhok!

WAKANASUSHA!

Buhok lang e ang dami ko ng sinabi.

Ikaw ano sa tingin mo?

To KALBO or not to KALBO?

Advertisements
This entry was posted in Buhay May Asawa, Buhay OFW, Buhay Tatay, kung anu-ano lang and tagged . Bookmark the permalink.

8 Responses to Dilemma

  1. MARU says:

    mas appealing sa mga pipol ngayon ang mga guys na semikal. tsaka kung babagay naman sa fez mo ang semikal eh why not choc nut?

    kaso….paano yan? si misis sa tenga na lang hahawak?

  2. ecxel says:

    @ Mama…Nagdadalawang isip pa din ako, hehehehe. At tungkol kay misis, maabilidad at flexible un, kahit saan pwede kumapit! bwahahahaha!

    Ang aga-aga naman! Kabastusan kaagad!

  3. Rose says:

    hmmm…parang di kita ma-imagine na kalbo, echo! pero it’s nice to try new things once in while 🙂

    kakatawa naman yung post mo, talagang may “bulbol” pa–e ikaw ang bastos dyan e! bwahaha 😆

  4. ecxel says:

    Rosebad…Salamat sa pagdalaw sa aking blog. At hindi ako bastos, honest at observant at straight forward, hahahaha!

    Si misis din hindi ma-imagine na kalbo ako e, hehehe, kaya bahala na soon. Sinusubukan kong magphoto shop na kalbo ako, pero hindi ko pa kaya, pag nakita ko na ipo-post ko ang before and could-be-after shots!

  5. R.J. says:

    kung hindi rin babagay sayo wag mo nang ituloy pare, pero wala naman masamang sumubok. tutubo naman ulit iyan. unlike sa akin, hindi na tlaga babagay ang mahaba habang buhok. manipis kasi. sa totoo lang sawang sawa na ko sa semikal kong ulo. gustu ko maranasan yung nilalagyan ng gel or ginugulo gulo epek, kaso hindi pwede. wig na lang ang solusyon. hehehe.

    salamat sa pagbisita at pag-add, ill do the same. kakaaliw naman ang kwento mo eh. hehehe. ciao!

  6. ecxel says:

    Ser RJ! Hindi ako mahilig magpa-epek sa buhok e, gusto ko talaga ung wash and wear lang, medyo may katamaran kasi hindi masunurin ang mga buhok ko, kaya lagi akong ruggedly-handsome-a!

    Pero bahala na, titignan ko pang maigi kung posible talaga, hehehehe!

  7. MC says:

    Nagka gout ka din ba?na-click ko kc yung link na “available treatments” then nakita ko yung Allopurinol.Iniinom ko din yan gamot na yan at ang side-effect sakin ay nahihilo ako.

  8. ecxel says:

    Oo, may gout ako, mataas ang aking uric acid level until now. Kaya pag inatake masakit. Hindi naman ako nahihilo sa gamot, ung Allupurinol, un nga lang, ang effect sa akin e nangangalbo ako, hehehehe!

    Salamat sa pagsilip sa aking site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s