Morbid

Galing akong Eye Specialist ngayon, kasi sabi nung general practitioner kailangan niya akong i-refer sa isang specialist…

Brief history…madalas sumasakit ang ulo, particulary ang left sinus area ko, kaya sabi ko magpapatingin ako sa doktor, tutal libre naman. Sobrang sumakit ito nung umuwi kami ng Pinas, pa-landing na ung eroplano sa Pinas, ng bigla na lang sumakit ang kaliwang mata, at para talagang sasabog at bigla na lang magpopop-out sa sakit.  Pagbalik namin ng Singapore, parang madalas na akong magkasipon at sumakit ang ulo, so I decided to seek professional help.

So, off to the specialist, na malapit lang naman sa office. Sana sandali nga lang, but no, ang tagal, dahil sa dami ng tao! So check ng mata, tingin sa eye chart, testing thru the computer at akala ko tapos na. At eto na:

Dr.: Mr. Wakanasusha, let’s dilate your eyes fully so I can see the back of your eyeballs.

Anak ng, WAKANASUSHA, anong gagawin? Paanong titignan ang likod na mata ko.

WK: Why is that needed doctor?

Dr.: Oh, just to make sure that your eyes are good and that you have not tumor.

Anak ng WAKANASUSHA, si House ba ang kausap at ganoon ka-straight forward ang sagot sa akin, siyempre sino ba naman ako para tumanggi. So ayun, may pinatak na kung ano sa mata ko, tapos sobrang blurred na ng near vision ko, sobra, I can’t even see the screen of my iPod. After eternity of waiting, at nakatulog na nga ako, tinawag na ako ng Dr para tignan ang likod ng mata ko. See thru naman pala ang eyeball kaya makikita nila ang likod ng mata ko, hehehehe. After exposing my eyes to direct light, nag-conclude si Dr na ok naman ako at walang tumor na nakita. Tungkol naman sa eyesight kong sablay, he’s not recommending that I wear any reading glasses dahil bata pa daw ako (NAKS!) at mahina lang naman ang grado ng mata ko. Sayang, may naisip pa naman akong choices para sa salamin ko, hehehehe!

So ngayon, steady lang ako, ok naman ako, although I was referred to an ENT surgeon, just to make sure that their findings of peri-nasal sinusitis ay matignan maigi. Tignan na lang natin sa susunod kung anong mangyayari.

Sana naman sa susunod huwag silang masyadong morbid sa mga diagnosis/prognosis nila! Mga adik! WAKANASUSHA!

Advertisements
This entry was posted in Buhay OFW and tagged , . Bookmark the permalink.

3 Responses to Morbid

  1. MARU says:

    mas ok nga yung ganun. deretsahan at wala ng paliguy-ligoy pa. mas gusto ko yung sasabihan ako ng doktor kung matitigok na ako kunyari kesa bibitinin pa ako. masakit kasi sa puson pag bitin. hehehe!

    nways, hope ok ka na ngayon.

    @ MARU…Salamat sa pagbisita at pangangamusta, ok na ako, pero baka magsalamin pa din ako, lintek na trabaho ang mag-surf at magcompute at humarap sa computer maghapon magdamag, sasakit ang mata ko at baka hindi na ako makapangboso! bwahahahaha!

  2. samjuan says:

    Straightforward ang Doc. Hehe.
    Salamat sa pagbisita kabayan! Yaan mo, isasama kita sa mga Sambuddies. =)
    Saang bansa ka nga pala?

    Gudlak sa mata!
    Pareho tayong di masyadong pinagpala ang linaw ng paningin. hehe

    @ Sam Juan: Sa merlion city ako naka-destino ser! siguro pareho lang tayo ng ginagawa nung bata tayo kaya nagkaganito ang mga mata natin! pareho tayong masipag magbasa ng porn encyclopedia! bwahahahaha!

  3. Pingback: Pangako…Update… « Wakanasusha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s