Trigger Mechanisms

Trigger mechanisms…sa mga mahilig bumaril, ito ung nagpapa-activate sa baril para magpaputok. Bakit nga ba ito ang bungad ko…senti-mode uli ako e…Madalas pag may nakikita akong mga bagay bagay sa paligid, naaalala ko ang bayang iniwanan ko…

Gaya na lang ng basketball court…ang dami kong nakikitang laruan dito sa SG, pero wala sa kalsada…Hindi ba sa atin, halos lahat ng kanto may basketball court? Kahit na simpleng plywood, makapal na alambre na nakahugis ring at ilang pako, solb na…Walang ganito dito, pero madaming court (ay, paulit-ulit na!). Naaalala ko lang ung mga kalaro kong tambay sa Malabon…Ung mga tipong sanay lumaro ng nakayapak lang, tapos pag-rebound bato na sa kabilang court, easy 2 points, at huwag mo silang hahamunin ng pustahan, dahil yari ka, nakatambay ang mga un sa court maghapon, at negosyo na nila un! Hahaha! Untouchable ako sa amin, bawal mo akong saktan (beyond basketball allowed physicality) at huwag mo akong kakantiin, dahil kuyog ang aabutin mo sa kanila. Iba ang respeto ng mga taong un sa amin, actually sa amin ng tatay ko…pero kasi nga, hindi ko sila pinakitaan ng kaplastikan, tambay kung tambay, hehehe! Na-miss ko din ang mga kalaro ko sa kabilang kanto namin, dun pisikal talaga at bawal ang pikon at huwag kang tatawag ng “nana” foul, kung hindi isang linggo kang yari sa kantiyaw.

Kagabi, while on a date with Misis, may nakita akong kamukha ng kaibigan ko…Siguro nga pinaglalaruan lang ako ng utak ko, dahil masyado kong nami-miss ang kaibigan ko back home. Tapos nung nag-simba kami, sa likod kami ng choir umupo, si Misis hinatak ako paupo kasi I was still standing habang kumakanta ang choir during offertory, kala ko choir ko yung kumakanta, buti nga at hindi ako nagpunta ako sa harap para magkumpas, that would have been hilarious! Hahaha!

=============

Nga pala, naka-first blood ang Ateneo kahapon, hintayin nyo ang pagbabalik ng mga Arkero ng De La Salle! Hahaha! Sabi nga, you may have won the battle, but the war is not yet over!

=================

Nabalitaan niyo ba ung nangyari sa Lehman Brother, AIG at Merryl Lynch? Nakakatakot, kakaiba na ang financial scenario sa panahon ngayon. Ang Amerika, na considered na financial superpower e sobrang nawiwindang sa mga pangyayari sa kanila. Actually, ano nga ba naman ang pakialam ko dito?

Malaki! Malaking-malaki! Dahil sa global na tayo ngayon, lahat ng nangyayari sa mga big markets, gaya ng Amerika, ay nakakaapekto sa takbo ng buhay/trabaho, kahit nasaang panig ka man ng mundo! Ang isa pang malaking epekto nito sa akin ay ang performance bonus at raise ko sa darating ng taon! Natatakot ako dahil inaaasahan ko un, para sa aking dayunyor, pero sabi nga nila, God will provide!

So bahala na si Lord!

p.s. pareng badoods, para naman hindi sa susunod na playoffs ang blog ko, hahahaha!

e-mail ni pareng badoods: kaya nga pre.  expect ko nga tatlo tayong first time Dad ngayong taon.  tsk. hirap ngang sumingit magblog.  ikaw July pa ung last post mo haha.  iniisip ko baka sa next nba playoff pa ung next na post mo.  haha.   ako nga din, pilit lang pasingit singit magpost.

Advertisements
This entry was posted in Buhay May Asawa, Buhay OFW, Buhay Tatay and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s