SMILE

27 04 2009

 Ang sarap umuwi sa ganito mga readers…Kaya ako nagmamadali umuwi palagi ay para makipaglaro sa aking anak who just celebrated his 6-month birthday…Hehehehehe…

Kyle at 6-months

 

Baka ma-enjoy niyo din ang mga videos na ito at ito.

==============

Kawala talaga ng pagod, bugnot at lahat lahat ng negatibo sa isip.





This too shall pass

24 04 2009

Pasensiya na kayo mga dear readers ko, masama lang talaga ang linggo ko, kaya siguro nasimulang pangit, tatapusin ko na din ng malungkot…Bear with me…Ung makulit at masiyahing Echo ay babalik din, pangako yan, kung kailan, hindi ko masabi…

=======================

Gaano kahirap ang buhay ngayon? Ganito na lang: May isang malapit sa puso ko na nagsabing mag-suicide na lang siya at ang makukuhang abuloy ay more than enough para sa pambayad ng utang. Not to demean the death of Trina Etong, she would have pulled out the same thing according to her…same problem (financial), maybe the same solution (suicide). Buti na lang someone talked some sense to her…hindi ko siguro alam kung anong mararamdaman ko kung natuloy iyon. Worse, baka nabaliw ako kung natuloy ang pangyayaring iyon.

=======================

Marami pa akong kilala na medyo nag-give up na sa buhay, but the case above was the WORSE-ST that I’ve heard tungkol sa krisis pinansiyal na ito. Right now, I am TRYING MY VERY BEST to stay positive and to see the silver lining kaysa magmukmok sa isang tabi at hintaying matapos ang krisis bago ako mabuhay uli. The sad thing, kagaya ng nasabi ko sa naunang post dito, I am drained, and to be frank about it, I don’t have the strength to overlook the obstacles…Mas nakikita ko ngayon ang pangit, ang mahirap, nag bwisit, ang mali…I don’t see the beauty nor the genius of things.

=======================

Going back sa situation kanina, ganun na lang bang kahopeless ang mga Noypi? Tayo na kilala sa mundo bilang mga resilient na tao, na laging nakangiti at dinadaan lahat sa humor? Bakit ganoon na ang mentalidad?

Ako, oo naisip ko din yan…tumalon mula sa aming unit at tapusin ang lahat…but that would be VERY UNFAIR to your loved ones, and that will be SELFISH of me if I would end everything by eventually making the biggest ESCAPE and MISTAKE of my life. Hindi tama at isang napakalaking kasalanan iyon. Pero kagabi naisip ko na lang, habang may buhay, may pag-asa. Habang may buhay, may pag-asa, habang may buhay, may pag-asa. Ako ang dapat sandalan ng pamilya ko, ako ang dapat na source ng strength nila…ako ang dapat magbigay ng direction sa pamilya ko. Obligasyon ko un bilang ama, bilang asawa, bilang anak, bilang kuya… Ang daming dahilan para ituloy ang laban ng buhay.

=======================

Tapusin ko na itong entry na ito, at promise ito na ang huling beses na mababasahan niyo ako ng negatibong post. I will make strides to improve everything and to come out victorious from this huge battle.

 

Currently: depressed





20 04 2009

Pasensiya na kayo at simula pa lang ng linggo e negatibo na itong naisusulat ko. I understand kung hindi niyo tuloy basahin, pero sana bear with me.

————————————————-

Stressed ako lately…

Personally, financially, professionally, mentally, emotionally…

I’m just thankful that spiritually, steady ako and it’s the only thing that’s making me sane…at siyempre, binabalanse ako ng aking mahal na pamilya…

==================

Grabe ang epekto ng krisis pinansiyal na ito na nararanasan natin…ang sakit sa ulo! Hindi ko malaman kung anong gagawin ko para kahit papaano malagpasan namin itong krisis na ito. Pasalamat ako at nagkaroon ng trabaho si misis, may pangdagdag gastos kami…

==================

Busy ako ngayon, sa paghahanap ng work, at ngayon ko lalong nadarama ang hirap ng buhay…Kung dati-rati, isang sendan ko lang ng resume ang dami ng response, ngayon, halos manikluhod na ako para lang makahanap ng sasagot, at hindi pa guaranteed na positive ang reply na un! Ewan ko ba…hindi ko na din maintindihan…

Ang hirap lang kasi wala akong babalikang buhay sa Pinas…at nangako ako na babalik lang ako ng Pinas kapag ready na ako magpatayo ng magandang bahay sa magandang subdivision at magreretiro na ako…pero kung babalik ako dun ng tiklop lang, hindi na din.

=======================

I wish this crisis is over…a lot of Noypis went to Singapore for a better life, not to be retrenched and just sent back home with nothing.





Mamba vs The King…Kobe or LeBron…

20 04 2009

Isa akong basketball fan, a huge basketball fan…UAAP, NCAA, PBA, MBA, NBA…basta gusto ko talaga ang basketball. At dahil napunta ako dito sa SG, kung saan hindi ko na napapanood religiously ang PBA, naka-focus ang aking atensyon sa NBA.

At isa sa mga pinaka-masarap na usapan ngayon ay ang diskusyon kung sino nga ba ang mas malupit, mas matinik, mas kagila-gilalas, ang mas mahusay sa pagitan ni Kobe Bryant ng LA at ni LeBron James ng Cleveland.

=================

O kung may reaction kayo sa topic, iwan kayo ng comment at pag-usapan nating maigi ito.

=================

May nabasa akong magandang article ngayong umaga, na gusto kong ipamahagi sa inyong lahat, na kapareho kong may passion sa ganitong usapan. Basahin niyo ang buong article, at kung kaya pa, lahat ng comments, na entertaining din talaga.

Hindi ako bandwagon fan, kapag gusto ko ang team, through the ups and downs I’m with them.  I’ve always been a Laker fan, mula sa panahon na nagkamuwang ako sa NBA. Salamat satellite/booster TV, cable TV, at ngayon Internet TV. I’ve always loved them, kahit na noong panahon na si Cedric Ceballos ang kanilang star player. Hindi niyo na siya kilala? Click mo ito.

Hindi ko na ikukuwento ang mga best memories ko ng Lakers, dahil gusto kong mag-focus sa usapang Kobe vs LeBron.

Maurice Podoloff Awardee

Sino nga ba ang MVP dapat this season? Well, depende yan sa definition mo. Ako, simple lang, sino ba ang pinakamagaling na player ng season at kayang dalhin ang kanayang team papunta sa mga later rounds ng playoffs. Best Player on a good team, not necessarily the best team. Kaya nga para sa akin, si Kobe pa rin ang MVP ngayong taon. Actually, I think mas deserving siya this year kaysa last year.

Bakit hindi si LeBron e gayung nasasatisfy niya ang criteria na sinet ko? E wakanasusha pala ako e, bomalabs…Teka let me explain…Hindi sa presinto ka magpaliwanag…Wakanasusha, ang corny ko na talaga…Why God, why??

Kobe is better than LeBron, not statistically, but in an overall impact to the game and to his team.

Kobe is a better all-around player than LeBron. Teka, huwag ngang pagbasehan ang stats, I mean in terms of arsenal sa offense and defense. Kobe is a more complete player, two-way, LBJ is just catching up on his defense this season, and in terms of being a lock down defender, the Black Mamba is miles ahead from the King. Offensively, Kobe knows when to take over and when to defer. Palaging sinasabi ng mga tao na mas trusting si LBJ sa team mates niya, I say, KOBE has been doing that since last year!!! He has that killer instinct that we haven’t seen since his Airness left the game for good. Kobe is not afraid to take the last shot and if they will lose with it, that’s a trait that I think embraces being an MVP, win if you must, but lose with guns ablazing.

At a basta, si Kobe pa din ang MVP ko! Wakanasusha kayo!

=====================

Just an update: isa sa mga sinet na criteria ng mga experts from ESPN, ay ang holder ng best record sa league…so sa tingin nila, mas naging runaway winner si LBJ…

Kunin na ni LeBron ang season MVP, para sa akin, si Kobe pa din ang mas deserving na awardee at siya ang kukuha ng Bill Russell Finals MVP award!

Let’s go LAKERS! It’s Showtime!





MRT – Eksena ng Buhay

8 04 2009

Para sa isang OFW dito sa bansa ng tinamaan-ng-kidlat na Merlion, ang pagsakay sa MRT ay isang necessity, lalo pa’t ang lawak ng coverage nito, at mas mabilis papunta sa iyong trabaho at paguwi mo. May mga araw na masuwerte kang mapapaupo, minsan nga si misis e napapapalakpak pa sa tuwa…Pero siyempre, may mga araw din na malas ka, andyan ung hindi ok na amoy ng katabi, ung mga saltik ng ligaw na siko o bag, ung mga hindi ok na amoy sa kabilang tren na maamoy mo kapag umandar ang tren, ung mga malakas magpatugtog ng iPod nila na sana hindi na lang sila nag head set…basta marami…siguro kung isa akong dalubhasang manunulat magagawan ko ng istorya ang mga eksenang nakikita ko sa araw-araw.

Mga bukod-tangi.

Pero may mga nangingibabaw na istorya talagang tumanim ng sobra sa utak namin.

Gaya na lang ng minsang papunta kami sa City, tahimik ang lahat, ng mamyang konti may narinig na lang kaming biglang kumanta…”Hawak kamay, di kita…” Uy, si Yeng ba iyun, ay hindi pala, isang kababayan na nadala sa tugtog ng kanyang headset. Meron namang bata na bigla na lang kumanta ng jingle ng Harvey Norman, “Go Harvey, go Harvery, go harvey Norman…” Ayos diba entertainment sa tren.

Minsan naman, rush hour as usual, may biglang nagpasabog, as in ang baho…pero hindi ako, dahil iba ang amoy ng kamandag ko…basta grabe ang pinasabog niyang lagim sa tren. Nakakatawa lang, kasi bakit parang ako lang ang nagre-react, ung iba either deadma sila or nagpipilit na pigilin ang reaction. Mental note to self: OK lang umutot sa tren, next time hindi ako magpipigil.

Minsan naman siksikan sa may pintuan pa lang, ng may kababayan tayong biglang sumigaw, “Ayaw kasing pumasok sa gitna e…” Hahahaha! Kala ko nasa LRT ako bigla e. Pero as expected wlang reaction ang mga tao. Tuloy sa pagbasa, pakikinig ng music, paglalaro at pagtulog.

Speaking of pagtulog…bilib ako sa mga natutulog dito sa biyahe, paghinto ng train sa kanilang stop dun talaga sila magigising at hindi sila nagmamadali, siguro may kakaibang pakiramdam lang talaga sila—talent ba, o kaya naman e talaga namang nagtutulog-tulugan lang talaga. Sabi nga ng biyenan ko, ung mga priority seat nga daw sa tren e nakakaantok pala. Kasi lahat ng naupo dun e tulog palagi! Bwahahahaha!

On being courteous

Headline minsan sa Today Newspaper…ang kanilang version (definitely much better) ng Libre sa atin…ang isang courtesy/graciousness study na na-conduct dito. I think equal naman ang participants e, may mga local and may mga foreigners. This is a matter of perception I think, kaya kung may mga hindi agree sa akin, bahala kayo, blog ko ito, so opinion ko ito.

“I don’t have an attitude problem, you just have a perception problem” – Dilbert

Madami akong naging karanasan nito, lalo na nung panahon na buntis si misis at kasama namin ang mga biyenan ko. Hindi malaki magbuntis si misis, kung kaya minsan kailangan mo talagang ipaglandakan na buntis si misis para lang mapaupo sa courtesy seat. Nandiyang himasin ko ang tiyan niya o kaya naman makipag-usap ng ingles ng malakas about the needed care for a pregnant woman. Minsan effective, madalas bokya, kaya kailangan ko talagang makipagbox out para lang mapaupo si misis at hindi mahirapan sa pagbiyahe. May mga nagbibigay ng upuan paminsan-minsan…pero ang nakakatawa, either matanda ang nagbibigay o kaya naman babae. Wow, sobrang wow diba? O baka may kumontra at sabihin na kung ayaw ko pala mahirapan si wifey e di dapat nag-taxi kami? Simple lang, it doesn’t make economic sense to get a cab…kung hindi mo pa din maintindihan, eto na lang, NAGTITIPID AKO! Alam kong siksikan sa tren pero I think BASIC COURTESY ang magpaupo/o mag give up ng seat para sa mga mas nangangailangan. Again, BASIC COURTESY…and I think the government has a campaign for that, kaya nga may mga designated seats for those with special needs, kaya dun lang ako nanggagalaiti talaga. Uupo sa mga designated seats, anong gagawin to play or pretend to sleep, I just don’t understand kung bakit KAUNTI ANG MAGINOO DITO!

May isang instance na muntik akong mapaaway, kasi may isang student na nakipagunahan pa sa amin at talagang nakipagbalyahan para lang makaupo sa designated seat. Muntik kong patulan dahil muntik kaming matumba ni misis e…pero dedma ang bata, pagupo labas ng PSP at naglaro. May nakakita siguro sa akin na namumula ako kaya naggive up ng upuan ung katapat namin para mapaupo si misis. Hindi ko tinanggal ang pagkakatitig ko sa bata, hanggang sa makababa kami. Sabi ko kay misis, isang tuhod lang na malupit sige na, makaganti lang…sabi ni misis huwag patulan at huwag bumaba sa lebel ng mga bastos.

Marami pa

Sobrang dami pa akong kuwento on our daily commute sa MRT. Saka na lang, para may susunod naman na post, hahahaha!