Sakit

24 03 2009

Andito ako sa clinic sa baba ng office namin para magpatingin. Grabe n ksi ang aking ubo, ayaw ako patahimikin, at saka masakit siya sa ulo. Hindi ko alam kung trabaho o kaopisina ko o amg sakit ko ang nagpapasakit sa ulo ko! Bwahaha!

Oist, testing lng ito ng wireless blogging kaya pasensiya na at maikli lang ang entry ko.

Sana matagal pa ako tawagin para mahaba ang pahinga ko pa dito, hehe!





Isang Salita

16 03 2009

Wala akong maisip na maisulat ng matino dahil na din sa pagod at puyat nitong mga nakaraang araw kaya pinilit ko na lang na gawin itong entry na ito.

Isa

Biyernes…

bisita

madami

turista

kamag-anak.

Pasyal

Singapura

pagod

gastos

ngiti

saya

pagod.

Sabado,

Flyer

capsule

pictures

tawa.

Kain

Lau Pa Sat

pagod

gastos

saya

masaya.

Linggo

libot

Birds

ulan

kainis

bitin

sayang

gastos

Gabi

gimik

Clarke Quay

G-Max

na-bading

pictures

kwento

uwi.

Ngayon

sipon

ubo

sakit

pagod

puyat

uwi

ngayon

na!

Tulog

kama

pahinga

pasyal

bisita

bahala

sila!

Pasensiya na kayo,  gaya nga ng sabi ko, umiikot ang pakiramdam ko, kulang sa tulog, pagod, at wala ng pera.





Mantra

12 03 2009

Mantra Hinduism A sacred verbal formula repeated in prayer, meditation, or incantation, such as an invocation of a god, a magic spell, or a syllable or portion of scripture containing mystical potentialities.

===================

Hmmm…seryoso yata ang wakanasusha…

Oo mga readers, medyo tag-seryoso ako ngayon, dahil kakatapos ko lang ng panahong tag-libog,  dahil parang ang daming nangyayari sa aking paligid na ang hirap tanggapin at nakakabagsak ng morale…

Kaya biglang naalala ko ang mantra/chant na ito na sinabi ng isang pari sa amin sa isa sa kanyang mga sermon:

I am GOOD.

I am BLESSED.

I am GOOD-LOOKING/BEAUTIFUL.

I am LOVED.

Ulitin natin this time may konting melody…

===================

Ito ang mantra ko, minsan lang talaga nalilimutan ko ito kaya siguro dinadagukan ako nung Tropa ko sa Itaas para ipaalala lang sa akin ito.

It does work dahil after several repetition, basta ba damdamin niyo lang ang bawat pantig at salita, you will feel better and complete, kahit walang Centrum…Ang corny na naman, wakanasusha talaga!

======================

Ginawa ko siyang lullaby sa aking unico hijo kagabi at sa awa ng Diyos, ang bilis nakatulog. Ang tinuro talaga sa amin na line e I am BEAUTIFUL, pinalitan ko lang para mas akma naman sa aking anak, kaya naging I AM GOOD-LOOKING. 

Bago ako nakatulog, nakapag-reflect akong maigi at nakapag-meditate.

====================

What’s your mantra?





Master Rapper – Rest in Peace Idol

6 03 2009

Pinoy rapper Francis Magalona died today, 6th March at 12 noon from complications of leukemia.

He fought well and hard, and made a short mini-comeback with Ely Buendia.

But I guess, He has other plans for it.

================

Idol, mami-miss ka naming mga fans mo. Iba na siguro ang mararamdaman ko kada maririnig ko ang “Bagsakan” sa iPod ko.

============

Nalukungkot ako sa balitang ito, sobra…iba ang lungkot ko, lungkot ng isang fan, lungkot na nararamdaman dahil parang nawalan ka ng isang idolo. Ewan ko ba, hindi ko din maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

===================

Para sa iyo Idol, isang maikling panalangin, isang malaking pasasalamat, at isang mapait na pamamaalam.

=================

Bro, tapos na ang paghihirap mo, just look down at us when you’re up there, rocking the angels with your brand of music!

YO!





Have you felt something like this before?

4 03 2009

Headline kahapon, ngayon ang broadcast:

Isang estudyant ng NTU, nanaksak ng propesor, naglaslas at tumalon mula sa ika-apat na palapag ng gusali.

======================

Ikaw dear reader, ilang beses na bang dumaan sa kokote mo na manakit ng propesor mo? Ung tipong bwiset talaga to the maximum level? Ung tipong ginawa mo na ang lahat, pero sablay ka pa din? At kulang na lang e ibenta mo ang katawan at puri sa kanya para lang may mangyaring maganda sa iyo??

Sa kabutihang palad e hindi naman nag-occur sa akin na manakit ng propesor; dahil na din siguro nasa dugo ko ang pagiging propesor.

=====================

Nagulat ako sa balitang ito kahapon, sobrang nag-worry, dahil ganun na pala mag-isip ang mga kabataan ngayon. Apparently, this poor fellow lost his scholarship (refer to the article), at hindi na niya alam kung anong gagawin. Hindi din ito nalaman ng kanyang mga magulang at mga kaibigan, everyone was kept in the dark.

======================

Dalawa ang nakikita ko dito: Una, ganun na bang katindi ang pressure sa mga schools ngayon; at ikalawa, hindi na ba marunong mag-handle ng pressure ang mga bata ngayon?

Nakakatakot dahil meron din akong isang cute na cute na baby na eventually mag-aaral din in 4-5 years time.

Kahit ba anong siste ng pakikipag-usap ko sa anak ko e sadyang ganun na lang ang magiging attitude niya towards pressure at school and at work? Ganun na ba talaga ngayon ang mga bata, pabata ng pabata ang pagramdam sa pressure? Is 15 the new 30??

Ngayon ko nare-realize na tama ang e-mail na natanggap ko about the kids born in the 70’s to the 80’s…ung tipong uso ang fishball carts at hindi stands, laro sa kalye, betamax at kung anu-ano pang nauso nun…these kids then are now leading decision makers and are risk-takers. They know how to relax when needed and they more or less know how to react to pressure and stress.

Kaibigan, swerte nga tayo, at sana magawan ko ng paraan para naman mapalaki ko ng ganun ang aking little boy…ibalik ko sa kanya ang sistemang kinalakihan ko.

=================

Sana nga tama ang solusyon na naiisip ko.

=================

Good luck sa akin!