I Cheat You!

25 12 2008

Nung nasa Pinas pa ako, ang umaga ko ay defined by two things: mukha akong sabog o puyat at may hawak akong kape — ang aking walang kamatayang Triple Grande Cafe Mocha no-whip non-fat drink!

Coffee addict ako, sobra! Correction, Starbucks coffee addict ako! Hindi makukumpleto ang araw ko dati kung hindi ako nakapag-kape, hot or cold. Kahit na nung panahon na nagtitipid ako, hindi nawala ang budget ko sa kape, un nga lang medyo lumiit ang size.

=========================

Stock holder ang re-puta-syon ko sa Starbucks sa Enterprise. Sa mahigit na 3 taon akong nasa building na iyon, nakilala ko lahat ng barista at manager na nagtrabaho sa branch na iyon. Nakita ko kung paanong nagbago ang tindahan nila, hanggang sa lumaki. Nakailang palit na din sila ng tao, pero ang mga barista at manager ay nagbibigay pugay pa din…They take that extra effort to know you and your drink and how you like it prepared. At kahit lalabas kami ni misis, dapat may panghimagas or after date coffee at syempre dapat iyun ay sa Starbucks.

=====================

Pero ngayon, medyo may kalayuan ang Starbucks sa aking kasalukuyang opis, buti dahil nagtitipid ako, at saka mas mahal ang presyo ng Starbucks dito, nakakapanghinayang…Gaya na lang ng chocolate drizzle on top ng iyong Frappucino, sa Pinas parte un ng drink mo, dito kailangan mong magbayad ng 50cents para dun…Wakanasusha, extra 15pesosesoses para sa choco syrup?!?!?!?! Mga wakanasusha pala sila e.

====================

Dahil diyan, nagkaroon na naman ako ng dahilan para talikuran ang aking pagmamahal sa Starbucks, Ate Charo…Nakuntento ako sa libreng tea at coffee sa office, at saka ang aking occasional (na medyo regular) na Pearly Soy Milk ng Mr. Bean. Mapayapa ang buhay at matipid.

(itutuloy…)

Wakanasusha, pa-suspense pa ang effect!





Ang Pasko ay para sa mga _____

25 12 2008

Merry Christmas po sa inyong lahat…

Andito kami ngayon sa bahay ng aking sister-in-law for the Noche Buena, para naman may pamilyang kasama during the celebration. Ang saya-saya, ang sarap ng food namin…

Beef Stroganoff pasta, hamonado, leche flan, chicken salad…

Solve ang tummy, tapos ang saya din ng aming exchange gift. I got a book (Dealing With Difficult People) from my sister-in-law, tapos bagong camera strap from my other sister-in-law. Ang saya…

Pero na-miss ko ang ingay ng aming exchange gift sa bahay…kahit na wala lang, masaya kami, maingay…buti at may pamilya kaming kasama dito at sumaya ang aming Pasko.

=======================

Salamat sa technology at kahit malayo kami, naririnig namin ang kaguluhan sa aming mga bahay, nakakasama nila kami kahit papaano dahil sa ginhawa na dala ng intarweb.

=======================

Hindi talaga big deal ang Pasko dito, hindi kagaya sa atin. Pero masaya ako dahil ito ang aming first Xmas kasama ang aking unico hijo. Ang saya!

=======================

MERRY X-MAS po sa inyong lahat. Sa mga kapatid kong OFW, nawa’y na-enjoy niyo ang holidays…Sa mga readers from The Philippines…ikain niyo na lang kami sa sangkatutak na handaan sa inyo!





You just have to roll on and hold on..

22 12 2008

Last Friday, 12 December, ay BIRTHDAY ko, promise totoo un, batiin niyo ako kahit late ok lang sa akin. Gusto ko ung feeling na may nag-greet sa akin e. Pero hindi ako masaya the night before at nung umaga ng araw na iyon, hindi ko maintindihan. Kahit si misis at si biyenan e medyo tinabangan that day kasi kakaiba ang kilos ko, pero naintindihan nila lahat un.

Noong araw na iyon ia-announce kung sino-sino ang tatanggalin sa aming grupo (Financial Controlling), at walang nakakaalam kung sino ang dapat umalis o manatili sa trabaho. Nagpasya akong maghalf- day na lang ng araw na iyon. Kung mapasama man ang pangalan ko sa ‘listahan’, kasama ko ang pamilya ko para umalalay sa akin, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin o magagawa ko kung saka-sakaling sabihan ako na aalis na ako. Kaya pinaubaya ko na kay Lord ang lahat.

2:30pm, sa sobrang hindi ko makayanan ang tensiyon e tinawagan ko na ang boss ko…by this time, nagsisimula na magtawag ng mga tao na aalis na.

======================

Ganito ang sistema sa amin:

Kunwa’y nasa 22nd floor, pababain ka ng 2nd floor at sa loob ng isang private room dun iaabot sa iyo ang iyong marching orders, hindi ka na pababalikin ng lugar mo, agad-agad e kailangan mo ng magpaalam. Walang oras para sa turnover ng function, ni oras na makapagligpit ng gamit, at sa aking palagay, ang pinakamasakit e ung wala ka ng chance na makapagpaalam ng matino sa mga nakatrabaho mo. Dahil oras na pinaalis ka na, hindi ka na maaaring makabalik pa sa area mo. It’s so DAMN COLD, pero you have to ride it out, dahil ganun ang sistema nila dito.

====================

Dahil sa hindi ko na makayanan ang tensyon, tinawagan ko ang aking boss, around 3pm…

Wakanasusha (W): Hi boss! What’s up? Do you have any news for me?

Boss ni Wakanasusha (BW): …yep.

W:   And??

BW: We’re all good don’t worry.

W:  That means we’re all safe right? Right?

BW:  Yup, for now, since we have a lot of work now that we are cutting a lot of heads.

W:  So what happens after we cut heads?

BW:  We’ll see. have fun and enjoy your day.

==========================

Napayapa ako kahit papaano. Mayroon pa akong aasahan na pambili ng gatas at diaper ng anak ko. Meron pa akong cubicle at opisinang papasukan pagdating ng Lunes.

Pero sabi ko nga, nakahanda na ang loob ko sa mangyayari. Pero iba pa din ang pakiramdam ko na steady pa ako kahit papaano, ngayon. Next month?? Bahala na si Lord. Pinaubaya ko na sa kanya lahat e.

Salamat at may trabaho pa ako ngayon.

========================

OFF-TOPIC:

Dun sa mga anonymous message na nagsasabing RACIST ako dahil sa nagsabi akong mabaho ang naamoy ko sa tren, o dahil nakuwestiyon ko kung bakit walang consideration sa olfactory senses ng ibang tao ang ibang tao dito, I don’t think I need to apologize for any of my comments…

BLOG KO ITO! At rekalamador talaga ako, at maarte ako lalo na sa amoy (kaya ako gumagastos ng pambili ng panglinis ng katawan at pampabango!)…DEAL WITH IT! Kung ayaw mo ung nababasa mo, you are free to GET THE HELL OUT OF MY SITE!

Alam kong fair game ang blogosperyo, pero desisyon ko pa din kung anong sasabihin ko dito dahil akin itong blog na ito.

If you want me to publish your comment, leave an address or any return e-mail so I can give you a larger piece of my mind! Huwag kang magtago sa bogus e-mail add at sa username na Anonymous! BUSET! Wakanasusha ka!





Sportsmanship 101

9 12 2008

Dream MatchIlang linggong training, para sa isang laban na tinaguriang “Dream  Match”.

Umakyat ng ilang timbang para lang tapatan at hamunin andg idolo.

Nagpursiging maigi, para masiguro ang pagkapanalo, kahit pa dala niya ang isang buong bansa sa kanyang mga balikat.

December 6, 2008 (US Time), niyanig ng isang dating palaboy ang mundo ng boksing nang ang tinaguriang Golden Boy ay hindi na tumayo para sa ika-siyam na round.

Agad siyang tumungo sa isang sulok, lumuhod, at sa wari ko’y lumuha dahil sa galak, at nagdasal…nagpasalamat sa isa na namang tagumpay.

Ang linya ng pusta: -$135 kay Pacman +155 kay Golden Boy…Sa $100 na pusta kay Pacman, ang panalo ay $135, samantalang ang $155 na pusta kay De La Hoya ay mananalo lamang ng $100.

Andun ang mga trapo (pasintabi sa sumusuporta sa kanila)…yumakap si Vice, si Gob Takasan nasa tabi ng bayani, ang mga “kaibigang” politiko nasa ringside din nakanood dahil sa biyayang ticket ni Pacman. Andun din kaya sila kung sakaling naiba ang resulta?

At ang pinakanakakatindig balahibong palitan na narinig ko at talaga namang tumanim sa utak ko:

Pacman: You’re STILL my IDOL!

De La Hoya: No,  NOW, you’re my Idol!

=========================

Isang laban na nadagdagan ng kulay dahil sa estado ng dalawang kampeon, at dinagdagan pa ng makukulay na hiritan ng mga trainer, sa pangunguna ni Roach.

Ngunit sa huli, ang mga kampeon, tahimik lang, walang ibang nasabi kundi papuri sa kanilang katunggali.

Walang usapang basura (trash talking!). Walang takutan…tanging mga kamao lamang ang nagpakita (at least kay Pacquiao, hindi ko alam kay Oscar).

===========================

Ito ang sportsmanship mga mahal kong mambabasa (sa inyong dalawa!).

Enough talk, let’s work.

===========================

At sana ganito din ang sistema ng ating pamahalaan para naman hindi na kami magsakripisyo ng ganito sa malayong lugar.





Ang sarap umuwi sa ganito…

5 12 2008

Kahit na  nakakaburaot ang mga tao sa opisina paminsan-minsan, o kaya naman e makakatanggap ka ng mga balitang hindi kanais-nais, o kaya naman e simpleng sira lang talaga ang araw mo at pagod na pagod ka sa maghapong pagharap sa computer at pag-blo-blog at pagtatrabaho…Ang sarap umuwi sa yakap at halik ni misis, sa masarap at bagong lutong hapunan, at sa isang cute na cute na batang ito…

at one-month

at one-month

Nakakawala ng pagod, nakaka-recharge ng lakas sa pagharap ng panibagong laban, at nakakadagdag inspirasyon para patuloy na pagbutihin ang ginagawa. Sa mga araw na gusto ko na lang mag-give up sa hamon ng buhay, andiyan si loving misis at si cute na anak para lalong patatagin ang loob ko. Sila ang aking lakas, ang aking inspirasyon, ang aking buhay.

=======================

Sensya na mga gentle readers at senti mode na naman ang wakanasusha. Ang daming nangyayaring hindi kagandahan sa paligid-ligid natin e.





The Judge Banged His Gavel

4 12 2008

Walang kinalaman ang post na ito sa batas, isang simbolismo lamang yan ng aking hinanakit na nararamdaman ngayon.

Ang Gavel

Nakatanggap ako ng isang e-mail broadcast galing sa kataas-taas-taasan ng aming kumpanya na naglalaman ng malalagim na balita na kasing dilim ng kaulapan ngayon sa Singapura at sa ibabaw ng aking ulo.

Hanggang sa 1st quarter ng susunod na taon, magbabawas kami ng higit sa 5,000 empleyado, karamihan ay manggagaling sa aming grupo. At sa hulihan ng liham, nagbitaw ang mga big boss na walang matatanggap na bonus ang lahat ng empleyado ng bangko.

Ang sakit – dahil siguro sobrang inaaasahan ko na kahit papaano ay may matatanggap kami kahit na isa o dalawang buwan man lamang, dahil nga ang sistema dito, 12 months lang talaga ang ibabayad sa iyo (unlike sa Pinas na may 13th o minsan pa, 14th month pay).

Nakita ko naman lahat ng warning signs e, nagkagulo na sa ‘Merika, nagtanggalan na ng mga tao sa marami pang bangko dito, maraming mga expats ang nagbalikan sa kani-kanilang mga bansa. Pero naging matatag ako, siguro naging matigas din ang aking ulo, at umasa ako na magbabago pa iyan at may pagkakataon pang umangat lahat.

Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko na manatili dito sa Merlion city, pero anong buhay na nga ba ang babalikan ko pag bumalik ako ng Pinas. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan, nagagalit ako sa sarili ko, nalulungkot, at natatakot ako sa mga mangyayari.

Ang tanging pinilakang guhit (silver lining) na nakikita ko e may trabaho pa din ako ngayon. Confident, at borderline pig headed ako, na ok ang grupo ko…sino na lang ang magpo-proseso ng mga kabayaran sa mga aalis kung babawasan nila kami…pero un nga hindi natin alam. Isa ako sa pinaka-”bata” sa groupo namin, kaya hindi ko alam, kung saka-sakaling pagbasehan ang seniority at tenure, anong laban ko? Maliban sa gandang lalake ko, ano pang laban ko sa mga taong andito na halos buong karera nila?

Malakas ang pananampalataya ko sa Kanya, at alam kong ituturo Niya sa akin ang dapat kong gawin, directly man o hindi, at kung minsan kailangan pa din akong batukan. No sense na isipin ko ngayon, dahil walang nakakaalam ng mangyayari sa kinabukasan.

I’m keeping my options open, I have updated my CV just in case…Loob ko na lang ang kailangan kong ihanda siguro.

========================

Natatakot ako ngayon, kinakabahan, at kahit na nakita ko ang maliwanag na banda, hindi pa din ako kumbinsido na dapat nga akong maging kampante at magngingiti uli.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

========================

Sana ipagkaloob na sa akin ung matagal ko ng hinihiling sa Kanya.

======================

I’ll think positive…not just try, but I’ll do it. Yun ang sabi sa The Secret and ni Paulo Coello…if you want something, the entire universe conspires with you.

Sa mga makakabasa nito, isama niyo ako sa dasal niyo. Hindi niyo man ako kakilala, pero humihingi ng tulong na dasal ang inyong kapatid sa blogosperyo. Mas effective daw kasi kapag maraming nagdadasal para sa iyo. Please?





Ang sarap maging tatay…

1 12 2008

Sa darating na Linggo, 07 December, ang first year anniversary ng aming kasal. Natatandaan ko pa lahat ng detalye, pangyayari, taranta, kapalpakan, mga ngiti at luha at kung anu-ano pa, noong nagpa-plano kami ng aming kasal. Ngayon, nagre-reminisce na lang kami, sabi nga sa isang kasabihan:

Reminiscing is a funny thing:  we laugh at the things that made us cry, and cry at the things that made us laugh.

Pero totoo diba? Ang sarap balikan ng aming mga pictures, although sablay lang talaga ang aming video, buti na lang madami talagang camera noong araw na iyon at na-capture ng husto ang mga moments kahit papaano.

===================

Sa darating na Linggo, bukod sa celebration ng aming anniversary, pabibinyagan na din namin ang aming anak. Exciting, ang daming biyaya ni Lord sa amin, kaya sobrang-sobrang thankful talaga ako. Ang daming dahilan para mag-celebrate. At kahit na naghihikahos na ang bulsa ko, tuloy pa din ang celebration, dahil I believe that the children are the future, I mean, I believe that we should rejoice moments like these and share our happiness with other people.  Translated: Tuloy ang PARTY at INOM! Hahaha!

at two weeks

at two weeks

=======================

Naka-adjust na din ako sa gising ng anak ko, kahit na puyat ako araw-araw, hindi na ako masyadong pangit at cranky. Napagisip talaga ako, ano nga ba ang nagbago sa buhay namin ni misis magsimula ng dumating si jr ko?

I came across this article from Babycenter.com that summarized more or less our sentiments of being newbie parents. (Sa mga first-time parents, would-be-parents, or trip lang maging magulang, babycenter.com is the way kapag medyo windang! Try niyo!)

=========================

Let me share this article written by Rebecca Woolf  with you at sana magustuhan niyo din ito. Makaka-relate din ang mga parents dito I’m sure.

1. You finally stop to smell the roses, because your baby is in your arms.

2. Where you once believed you were fearless, you now find yourself afraid.

3. The sacrifices you thought you made to have a child no longer seem like sacrifices.

4. You respect your body … finally.

5. You respect your parents and love them in a new way.

6. You find that your baby’s pain feels much worse than your own.

7. You believe once again in the things you believed in as a child.

8. You lose touch with the people in your life whom you should have banished years ago.

9. Your heart breaks much more easily.

10. You think of someone else 234,836,178,976 times a day.

11. Every day is a surprise.

12. Bodily functions are no longer repulsive. In fact, they please you. (Hooray for poop!)

13. You look at your baby in the mirror instead of yourself.

14. You become a morning person.

15. Your love becomes limitless, a superhuman power.

And from our readers…

1. “You discover how much there is to say about one tooth.” — Ashley’s mom

2. “You finally realize that true joy doesn’t come from material wealth.” — Anonymous

3. “You now know where the sun comes from.” — Charlotte

4. “You’d rather buy a plastic tricycle than those shoes that you’ve been dying to have.” — Sophie’s mom

5. “You realize that although sticky, lollipops have magical powers.” — Roxanne

6. “You don’t mind going to bed at 9 p.m. on Friday night.” — Kellye

7. “Silence? What’s that?” — Anonymous

8. “You realize that the 15 pounds you can’t seem to get rid of are totally worth having.” — Brenda

9. “You discover an inner strength you never thought you had.” — Ronin and Brookie’s mom

10. “You no longer rely on a clock — your baby now sets your schedule.” — Thomas’ mom

11. “You give parents with a screaming child an ‘I-know-the-feeling’ look instead of a ‘Can’t-they-shut-him-up?’ one.” — Jaidyn’s mom

12. “Your dog — who used to be your ‘baby’ — becomes just a dog.” — Kara

13. “You take the time for one more hug and kiss even if it means you’ll be late.” — Tracey

14. “You learn that taking a shower is a luxury.” — Jayden’s mom

15. “You realize that you can love a complete stranger.” — Dezarae’s mom

16. You find yourself wanting to make this world a better place. — Arizona

17. If you didn’t believe in love at first sight before, now you do!  — Ciara