Madami akong iniisip ngayon dahil sa gulo ng nangyayari sa global market. Bwakang ina ka…Pakiusap lang, huwag ka masyadong all-knowing at nakakapikon ang pamamaraan mo ng pagtuturo. Ginagalang kita hindi dahil mas senior ka, pero dahil tao ka pa din kahit papaano. Gago ka! Sa limang taon mo sa trabahong ito, natural lang na dapat alam mo ang lahat, tukmol ka pala, hindi ka ba nagtataka sa loob ng limang taon na un ni hindi ka man lang pinaghawak ng tao, maliban na lang kung maglilipat ka ng trabaho at responsibilidad mo? Hindi ka din ba nagtataka at sa loob ng limang taon na un e hindi ka man lang na-promote promote? Naiwan ka na ng kasabayan mo iha, siguro kung ako un, mahihiya ako.
Matalino ako dahil pinalaki akong masipag mag-aral ng mga magulang ko, pero kahit kailan hindi ko binandera sa iyo un. Iniisip ko na since matagal ka na dito, kabisado mo ang pasikot-sikot; pero ang hindi ko inasahan ang kayabangan mo sa pagtuturo. GAGO! Para din sa ikagagaan iyon ng trabaho mo kaya sana lang ayusin mo, tandaan mo, garbage-in-garbage-out! WAKANASUSHA KA!
Ang hilig mong magbuhat ng sarili mong bangko at pakiramdam mo pag ikaw ang humawak walang sablay, awtomatik! Gago ka, kalahati ng inaayos kong mali e dahil sa kagagahan mo, wakanasusha!
========================
Sa isang banda, ambisyoso ako at inggitero ako; at dahil dito sa mga katangian kong ito, lalo kong ginagalingan ang trabaho ko…hindi, sa lahat ng bagay ginagalingan ko kasi gusto kong lumebel sa mga nakakabilib. Pero hindi ko sinabing kailangan mo akong purihin, alam ko naman pag lumelebel na ako e. Mahilig akong maglaway sa mga magagarang stuff, pero dahil inggitero ako, ginagawa ko ang lahat ng paraan para magkaroon din ako ng ganung stuff. Ambisyoso ako, kaya mas lalo ko pang ginagalingan para maabot ko ang lahat ng ambisyon ko.
Wag kayong mag-alala, bawal sa akin ang manapak o manggamit ng ibang tao para sa aking personal gain, bawal un, motto ko un; at takot akong magulpi ng tatay ko pag nalaman niyang ginawa ko un. Kaya dapat sariling sikap ako palagi…kaya kumapal ng ganito ang palad ko e…
Pero pakiusap lang, huwag niyo ng ipamukha sa akin ang kakulangan at kahinaan ko, nasasaktan ako, madali pa naman akong magdepress-depressan. At kahit ganito akong umasta, deep inside, as in sa kaibuturan, sensitive ako at madali akong mawalan ng bilib sa sarili ko. Hayaan mo na lang maglaway ako at pilitin kong abutin ang kinatatayuan mo ng hindi mo nalalaman; pero huwag mo lang ipapamukha sa akin ang depekto ko, GAGO!
============================
Siya nga pala, ang baho mo palagi, ang damit e amoy kulob palagi, hindi ko alam kung hindi ba uso ang magsampay sa inyo o gumamit ng dryer or gumamit ng fabric softener. At saka matuto ka magsipilyo pagka kain mo ng lunch, nakakahiya e, may tinga ka pa pag kausap mo ako o ang boss natin sa hapon. Hindi kita mabati kasi hindi tayo close, at huwag ka ng umasang magiging close tayo. Hindi ako racist, at lalong hindi ako nagdidiscriminate, hindi lang talaga tugma ang wavelength natin, at lagi kang wala sa hulog kapag humirit! Gago!
================================
Sa mga makakabasa nito:
Pasensiya na po kayong lahat, bad trip lang ako at gusto ko lang maglabas…ng sama ng loob…I know I’ll regret blogging about these things, pero hayaan niyo na lang na i-evaluate ko ang sarili kong entry kapag nahimasmasan na ako.

