Pangako…Update…

9 10 2008

Ang nakaraan

Ngayon, masasabi kong productive ang 2 weeks ko dahil sa nagawa ko lahat ng nasabi ko.

I am now out of the 100kg club! MABUHAY! WAKANASUSHA! After two weeks, I am now down to 97kgs. Alam ko hindi siya substantial sa ngayon, at kung hindi mo naman ako kilala, hindi mo rin mapapansin ang pagbabago. Pero ang mahalaga, nagbunga ang aking diet! Less carb intake, more healthy food, bawas sa snacks at mas maraming lakad (kaysa escalator!).

Nakakapag-update naman ako ng aking blog, kaya pasado pa din sa second promise!

Sobrang pagtitipid ko ngayon, hindi na ako nagmemeryenda, although hindi ko matagal ang Pearly Soy Milk drink ko everyday, pero unti-unti lang. Binawasan ko ang aking allowance para may naka-allocate kagad sa kaunting savings (para sa paglabas ni dayunyor) at pamasahe, the rest free-spending, pero ang dami kong gusto bilhin, kaya susubukan kong mag-prioritize ng spending ko.

===================

Siya nga pala, next week ay babalik ako sa eye specialist para sa follow-up check-up ko. Sana makuha sa natural treatment at konting gamot, kung kailangang bombahin ang ilong ko para mawala lahat ng bara, sige lang, tiisin na lang kahit na masakit kung kapalit naman e maginhawang pakiramdam na pangmatagalan, why not chocnut?!?!?!

======================

Bumalik ako sa pagsusuot ng salamin, ok naman, at least nabawasan ang sakit ng ulo lalo na dahil sa maghapong pagharap sa computer at pagtatrabaho at pagba-blog!

Pa-cute na naman ang wakanasusha! bwhahahaha!