UAAP is Wakanasusha!

26 09 2008

Oo, talo ang mga Arkero ng De La Salle, 62-51 laban sa mga Agila ng Ateneo De Manila

Ganoon talaga, weather-weather lang yan.

Ang buhay nga naman parang gulong, sometimes you’re up, sometimes you’re down, but most of the time, you are rolling! Yeah yeah!

They were the better team this year, hats off to them. Magaling ang Band of Blue, pero sabi nga sa Gladiator, we will get our revenge in this lifetime or the next; so see you next season! Enjoy the celebration, and savor the championship while it’s still in your grasps.

I digress…Hindi ko napanood ang laro kaya hindi ko alam kung patas nga ba ang officiating, ang chismis balita sa akin e ang daming “nana” foul na itinawag, per un nga, wala ako dun, hindi ko napanood kaya hindi ko alam kung masasabi kong valid ang statement ni Coach Franz about Rico’s ejection. Weather-weather lang yan! Life is Wakanasusha you know!

======================

On a lighter note, a PHP 350 Patron ticket went as high as PHP 25,000…Ibang level nga talaga ang kabaliwang dala ng UAAP. Ang isang Ginebra Game 7 Championship, hindi aabot ng ganito kamahal ang ticket. Nagdiwang nga talaga ang mga scalpers, langya, pati nga yata mga kakilala ko sa multiply e nago-online scalping para lang wag masita ng mga pulis operatives!

So, ang glaring stat of the series:

ADMU – 2     DLSU – 0     Scalpers: MILLIONS!

What a Wakanasusha world!