UAAP is Wakanasusha!

26 09 2008

Oo, talo ang mga Arkero ng De La Salle, 62-51 laban sa mga Agila ng Ateneo De Manila

Ganoon talaga, weather-weather lang yan.

Ang buhay nga naman parang gulong, sometimes you’re up, sometimes you’re down, but most of the time, you are rolling! Yeah yeah!

They were the better team this year, hats off to them. Magaling ang Band of Blue, pero sabi nga sa Gladiator, we will get our revenge in this lifetime or the next; so see you next season! Enjoy the celebration, and savor the championship while it’s still in your grasps.

I digress…Hindi ko napanood ang laro kaya hindi ko alam kung patas nga ba ang officiating, ang chismis balita sa akin e ang daming “nana” foul na itinawag, per un nga, wala ako dun, hindi ko napanood kaya hindi ko alam kung masasabi kong valid ang statement ni Coach Franz about Rico’s ejection. Weather-weather lang yan! Life is Wakanasusha you know!

======================

On a lighter note, a PHP 350 Patron ticket went as high as PHP 25,000…Ibang level nga talaga ang kabaliwang dala ng UAAP. Ang isang Ginebra Game 7 Championship, hindi aabot ng ganito kamahal ang ticket. Nagdiwang nga talaga ang mga scalpers, langya, pati nga yata mga kakilala ko sa multiply e nago-online scalping para lang wag masita ng mga pulis operatives!

So, ang glaring stat of the series:

ADMU – 2     DLSU – 0     Scalpers: MILLIONS!

What a Wakanasusha world!





Morbid

23 09 2008

Galing akong Eye Specialist ngayon, kasi sabi nung general practitioner kailangan niya akong i-refer sa isang specialist…

Brief history…madalas sumasakit ang ulo, particulary ang left sinus area ko, kaya sabi ko magpapatingin ako sa doktor, tutal libre naman. Sobrang sumakit ito nung umuwi kami ng Pinas, pa-landing na ung eroplano sa Pinas, ng bigla na lang sumakit ang kaliwang mata, at para talagang sasabog at bigla na lang magpopop-out sa sakit.  Pagbalik namin ng Singapore, parang madalas na akong magkasipon at sumakit ang ulo, so I decided to seek professional help.

So, off to the specialist, na malapit lang naman sa office. Sana sandali nga lang, but no, ang tagal, dahil sa dami ng tao! So check ng mata, tingin sa eye chart, testing thru the computer at akala ko tapos na. At eto na:

Dr.: Mr. Wakanasusha, let’s dilate your eyes fully so I can see the back of your eyeballs.

Anak ng, WAKANASUSHA, anong gagawin? Paanong titignan ang likod na mata ko.

WK: Why is that needed doctor?

Dr.: Oh, just to make sure that your eyes are good and that you have not tumor.

Anak ng WAKANASUSHA, si House ba ang kausap at ganoon ka-straight forward ang sagot sa akin, siyempre sino ba naman ako para tumanggi. So ayun, may pinatak na kung ano sa mata ko, tapos sobrang blurred na ng near vision ko, sobra, I can’t even see the screen of my iPod. After eternity of waiting, at nakatulog na nga ako, tinawag na ako ng Dr para tignan ang likod ng mata ko. See thru naman pala ang eyeball kaya makikita nila ang likod ng mata ko, hehehehe. After exposing my eyes to direct light, nag-conclude si Dr na ok naman ako at walang tumor na nakita. Tungkol naman sa eyesight kong sablay, he’s not recommending that I wear any reading glasses dahil bata pa daw ako (NAKS!) at mahina lang naman ang grado ng mata ko. Sayang, may naisip pa naman akong choices para sa salamin ko, hehehehe!

So ngayon, steady lang ako, ok naman ako, although I was referred to an ENT surgeon, just to make sure that their findings of peri-nasal sinusitis ay matignan maigi. Tignan na lang natin sa susunod kung anong mangyayari.

Sana naman sa susunod huwag silang masyadong morbid sa mga diagnosis/prognosis nila! Mga adik! WAKANASUSHA!





Pangako

22 09 2008

Starting today, 22 September, I am going to try my best to do the following:

  • Exercise, reduce carb intake…sa madaling sabi, magpapayat ako! Lapit na kasi kasal ni utol kaya kailangan na talaga, para naman iba ang sasabihin sa akin paguwi ko ng Pinas! At saka madami na din kasi ako nararamdaman kaya kailangan na talaga. Ido-document ko ito sa blog para naman may online account ako ng nangyayari sa akin. At sana (kung may nagbabasa man nito) tulungan niyo ako sa aking programa.
  • Update/i-account ang aking journey sa pagiging tatay at ang aking buhay bilang isang bagong bayani dito sa Merlion City (Majulah Singapura!).
  • Magtitipid ako, sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagbili ng mga treats (Pearly Soy Milk at Belgian Chocolate drink ng Coffee Bean). Ito ay para sa pagiipon ko para sa aking anak at para may maganda akong ireregalo sa misis ko for her bday at Xmas. Kung may matira, pambili ko ng accessories for my camera. (Flash at bagong lens).

Kaya yan, sana magawa ko lahat! Good luck sa akin!





Trigger Mechanisms

22 09 2008

Trigger mechanisms…sa mga mahilig bumaril, ito ung nagpapa-activate sa baril para magpaputok. Bakit nga ba ito ang bungad ko…senti-mode uli ako e…Madalas pag may nakikita akong mga bagay bagay sa paligid, naaalala ko ang bayang iniwanan ko…

Gaya na lang ng basketball court…ang dami kong nakikitang laruan dito sa SG, pero wala sa kalsada…Hindi ba sa atin, halos lahat ng kanto may basketball court? Kahit na simpleng plywood, makapal na alambre na nakahugis ring at ilang pako, solb na…Walang ganito dito, pero madaming court (ay, paulit-ulit na!). Naaalala ko lang ung mga kalaro kong tambay sa Malabon…Ung mga tipong sanay lumaro ng nakayapak lang, tapos pag-rebound bato na sa kabilang court, easy 2 points, at huwag mo silang hahamunin ng pustahan, dahil yari ka, nakatambay ang mga un sa court maghapon, at negosyo na nila un! Hahaha! Untouchable ako sa amin, bawal mo akong saktan (beyond basketball allowed physicality) at huwag mo akong kakantiin, dahil kuyog ang aabutin mo sa kanila. Iba ang respeto ng mga taong un sa amin, actually sa amin ng tatay ko…pero kasi nga, hindi ko sila pinakitaan ng kaplastikan, tambay kung tambay, hehehe! Na-miss ko din ang mga kalaro ko sa kabilang kanto namin, dun pisikal talaga at bawal ang pikon at huwag kang tatawag ng “nana” foul, kung hindi isang linggo kang yari sa kantiyaw.

Kagabi, while on a date with Misis, may nakita akong kamukha ng kaibigan ko…Siguro nga pinaglalaruan lang ako ng utak ko, dahil masyado kong nami-miss ang kaibigan ko back home. Tapos nung nag-simba kami, sa likod kami ng choir umupo, si Misis hinatak ako paupo kasi I was still standing habang kumakanta ang choir during offertory, kala ko choir ko yung kumakanta, buti nga at hindi ako nagpunta ako sa harap para magkumpas, that would have been hilarious! Hahaha!

=============

Nga pala, naka-first blood ang Ateneo kahapon, hintayin nyo ang pagbabalik ng mga Arkero ng De La Salle! Hahaha! Sabi nga, you may have won the battle, but the war is not yet over!

=================

Nabalitaan niyo ba ung nangyari sa Lehman Brother, AIG at Merryl Lynch? Nakakatakot, kakaiba na ang financial scenario sa panahon ngayon. Ang Amerika, na considered na financial superpower e sobrang nawiwindang sa mga pangyayari sa kanila. Actually, ano nga ba naman ang pakialam ko dito?

Malaki! Malaking-malaki! Dahil sa global na tayo ngayon, lahat ng nangyayari sa mga big markets, gaya ng Amerika, ay nakakaapekto sa takbo ng buhay/trabaho, kahit nasaang panig ka man ng mundo! Ang isa pang malaking epekto nito sa akin ay ang performance bonus at raise ko sa darating ng taon! Natatakot ako dahil inaaasahan ko un, para sa aking dayunyor, pero sabi nga nila, God will provide!

So bahala na si Lord!

p.s. pareng badoods, para naman hindi sa susunod na playoffs ang blog ko, hahahaha!

e-mail ni pareng badoods: kaya nga pre.  expect ko nga tatlo tayong first time Dad ngayong taon.  tsk. hirap ngang sumingit magblog.  ikaw July pa ung last post mo haha.  iniisip ko baka sa next nba playoff pa ung next na post mo.  haha.   ako nga din, pilit lang pasingit singit magpost.