Looking Back…

16 07 2008

Hindi ko alam, pero lately, e senti mode na lang ako palagi…Madalas kasing tinitignan ko ung mga pictures ko dati, with family, friends, officemates all back in Manila. Naaalala ko tuloy ung ironic message sa farewell e-mail ko sa dati kong company:

“It’s funny how we laugh at the moments that made us cry and cry at the moments that made us laugh…”

Mas naiintindihan ko ngayon ang mga sinasabi ng mga matatanda na kung ano man ang mga pinag gagawa mo noon, ang siyang huhubog sa pagkatao mo ngayon…Hmmmm…Kasama kaya dito ang pagdura sa railings ng hagdan sa school namin dati? What does that make of me now? Hehehe!

Joke only, hindi ko gawain un, hehehehe, mahirap na, madalas akong nakakapit sa railings e, hehehe, baka makarma ako, kaya hindi ko trip gawin un, hehehehe!

Sige, titigilan ko muna ngayon ang pagtingin sa mga pictures…baka mabaliw pa ako dito e…ilang araw na lang at magbabakasyon akong muli sa aking bayang sinilangan…